98.1 FM Radyo Bayanian

98.1 FM Radyo Bayanian The official page of DWCJ 98.1 Radyo BayaNIAn — first ever radio broadcasting station of the National Irrigation Administration.
(1)

03/06/2026

Sa naging panayam sa programang IA ang Bida, ibinahagi ni Mr. Rommel Macadangdang, Pangulo ng Nagkakaisang Magbubukid ng Santo Rosario Delfin Albano-Paco CIS (Isabela IMO) ang mga positibong pagbabago at pag-unlad na nararanasan ng kanilang samahan at mga magsasaka sa kanilang lugar.

Ayon sa kanya, unti-unti nang nasasanay ang mga magsasaka, lalo na ang mga nakababatang henerasyon, sa pagsunod sa mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka tulad ng Alternate Wetting and Drying (AWD), tamang paggamit ng abono, at wastong paglalagay ng insecticide. Malaki rin ang naitulong ng mga seminar, pagsasanay, at iba pang programang ibinibigay ng NIA upang mapalawak ang kanilang kaalaman at mapabuti ang kanilang produksyon.

Binigyang-diin niya na ang patuloy na paggabay ng NIA ay nagdudulot ng positibong pagbabago sa kanilang komunidad at malaking tulong sa mga magsasaka ng Delfin Albano sa kanilang pagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

sa

"Malaki ang naitutulong ng reconnaisance survey sa tagumpay ng irrigation project dahil ito ang unang hakbang para masur...
03/06/2026

"Malaki ang naitutulong ng reconnaisance survey sa tagumpay ng irrigation project dahil ito ang unang hakbang para masuri ang aktwal na kondisyon ng project site. Sa pamamagitan nito, natutukoy ang mga possible na location ng irrigation structures, canals, diversion dams, reservoirs, pati na rin ang feasibility ng terrain, water source, at accessibility ng lugar."—Engr. Ron Fitzjerald B. Lago, Engineer A, PDSU, NIA Quirino IMO

sa

"Ang best practices na inaapply ng aming Irrigators Association ay galing sa trainings na binibigay ng ATI, Municipal Ag...
02/06/2026

"Ang best practices na inaapply ng aming Irrigators Association ay galing sa trainings na binibigay ng ATI, Municipal Agriculture Office of San Manuel, at NIA. Lahat po ng farmers ay binibigyan nila ng guidance upang mag-improve ang ani ng mga farmers."—Pres. Alejandrino S. Pascua, President, Regta IA, MARIIS Division III

sa

02/06/2026
"Diay Alternate Wetting and Drying (AWD) technology ket isu ti sursuroten mi ta saan met a masapul a kanayon a madanuman...
02/06/2026

"Diay Alternate Wetting and Drying (AWD) technology ket isu ti sursuroten mi ta saan met a masapul a kanayon a madanuman ti pagay. Isu dayta ti i-emphasize ko kadagiti farmers mi maipanggep iti AWD."

"Ang Alternate Wetting and Drying (AWD) technology ang sinusunod namin dahil hindi naman kailangang palaging nakababad sa tubig ang palayan. Iyon ang palagi kong binibigyang-diin sa aming mga magsasaka tungkol sa AWD."—Pres. Ernesto Afalla, President, Magaad Bakir Bagabag IA

sa

01/06/2026

Biag Ti Away | June 02, 2026
6:00-7:00 AM

GUEST:
MR. RONEL P. PAGIBITAN
PRESIDENT, FUTUSCAB FARMERS

Disclaimer: We do not own the rights to the music being played in the program. All rights belong to their respective owners. This live broadcast is for public information, education, and entertainment purposes only. No copyright infringement is intended.

sa

01/06/2026

Kaninang umaga sa programang NIA Executive Hour, ibinahagi ni Mr. Rosetom B. Molina, Insurance Underwriter I ng PCIC Region 2, ang mahahalagang impormasyon tungkol sa proseso ng pag-avail at pag-claim ng crop insurance para sa ating mga magsasaka.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpaparehistro sa RSBSA at pagsusumite ng aplikasyon sa PCIC upang maging kwalipikado sa insurance coverage. Ipinaalala rin niya na sakaling masira ang mga pananim dahil sa bagyo, baha, tagtuyot, peste, o sakit ng halaman, kinakailangang agad na magsumite ng damage report sa loob ng itinakdang panahon upang maiproseso ang insurance claim.

Ibinahagi rin niya ang mas pinadaling sistema ng pagbabayad ng insurance claims sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng PCIC sa Palawan Express at GCash, na nagbibigay ng mas mabilis at mas maginhawang paraan para matanggap ng mga magsasaka ang kanilang insurance benefits.

Patuloy na nagtutulungan ang PCIC at NIA upang maprotektahan ang kabuhayan ng ating mga magsasaka laban sa mga panganib na dulot ng kalamidad at iba pang sakuna.

sa

Address

Camasi
Peñablanca
3502

Opening Hours

Monday 5am - 1pm
Tuesday 5am - 1pm
Wednesday 5am - 1pm
Thursday 5am - 1pm
Friday 5am - 1pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 98.1 FM Radyo Bayanian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share