04/04/2026
𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐄𝐒!🎓🏅
Isang taos-pusong pagbati sa ating mga nagsipagtapos ngayong taon! Bilang PSHS SSLG, S.Y. 2025–2026, ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay, bunga ng inyong sipag, tiyaga, at walang sawang pagsusumikap. Sa bawat hamon na inyong nalampasan at aral na inyong natutunan, pinatunayan ninyo na kayo ay handang harapin ang mas malalaking pangarap at responsibilidad sa hinaharap.
Sa pagpasok ninyo sa panibagong yugto ng inyong buhay, nawa’y baunin ninyo ang mga alaala, pagpapahalaga, at aral na hinubog sa loob ng paaralan. Patuloy kayong mangarap, magsikap, at maging inspirasyon sa iba. Tandaan, ang pagtatapos ay hindi katapusan, kundi simula ng mas makabuluhang paglalakbay. Muli, pagbati sa inyong tagumpay, mga bagong gradweyt! 🎓✨
#20252026