Rural Health Unit - Pahamuddin, SGA

Directions Website

Rural Health Unit - Pahamuddin, SGA Rendering quality healthcare services to the Bangsamoro Community of the Pahamuddin Municipality.

RHU PAHAMUDDIN β€” SAVE LIVES! ❀️Donate Blood. Share Life. Save Lives.Isang patak ng dugo, isang buhay ang maaaring mailig...
08/09/2026

RHU PAHAMUDDIN β€” SAVE LIVES! ❀️
Donate Blood. Share Life. Save Lives.
Isang patak ng dugo, isang buhay ang maaaring mailigtas. 🩸❀️

🩸 TAOS-PUSONG PASASALAMAT! 🩸
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at buong pusong nag-donate ng dugo sa ating Mobile Blood Donation Activity sa Baranggay Lower Baguer Pahamuddin Ang inyong kabutihan at malasakit ay malaking tulong upang makapagligtas ng buhay. ❀️
Maraming salamat din po sa ating Partners ang CRMC Blood Bank led by Doc Pagayao, CRMC Staff's.Municipal Health Office (MHO) Doc Pancho A. Cruz, MD.Municipal Blood Coordinator Ma'am Sarah Mayon Sari, RM, BSM sa walang sawang pag-aasikaso at pakikipag-ugnayan para maging matagumpay ang aktibidad.
Taos-pusong pasasalamat din po sa ating Barangay Captain Apan Binasing Barangay Midwife Ma'am Mobina Mokamadali, RM, BSM mga RHU Staff's mga Baranggay midwife,Barangay Health Workers (BHWs), at Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa inyong suporta, oras, at aktibong pakikilahok.
Higit sa lahat, saludo kami sa bawat blood donor na naglaan ng oras at nagbigay ng dugo para sa mga taong nangangailangan. 🩸❀️
β€œAng isang donasyon ng dugo ay maaaring maging isang pag-asa at bagong buhay para sa iba.”
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!
Mabuhay po kayo at maraming salamat sa inyong malasakit! πŸ™β€οΈ

RHU PAHAMUDDIN β€” SAVE LIVES! ❀️
Donate Blood. Share Life. Save Lives.
Isang patak ng dugo, isang buhay ang maaaring mailigtas. 🩸❀️

Ma’am Suhada Zainudin, Midwife of Patot BHS, became the 4th BHS midwife to undergo VIA screening, with a negative result...
06/09/2026

Ma’am Suhada Zainudin, Midwife of Patot BHS, became the 4th BHS midwife to undergo VIA screening, with a negative result. πŸ’—

β€œScreen today, live tomorrowβ€”love your life!” 🌸

Ma’am Zainab UsopMidwife of Upper Pangankalan BHS, was the third BHS midwife to participate in the VIA (Visual Inspectio...
02/09/2026

Ma’am Zainab Usop

Midwife of Upper Pangankalan BHS, was the third BHS midwife to participate in the VIA (Visual Inspection with Acetic Acid) screening. She underwent the screening as part of the cervical cancer prevention and early detection activity. Her VIA screening result was negative.

Congratulations Ma’am Z!



8.27.26The SGA–Field Health Office (SGA-FHO) conducted the 2nd Quarter Data Quality Check (DQC) at the Rural Health Unit...
27/08/2026

8.27.26

The SGA–Field Health Office (SGA-FHO) conducted the 2nd Quarter Data Quality Check (DQC) at the Rural Health Unit (RHU) Pahamuddin to assess the accuracy, completeness, consistency, and timeliness of health program data and reports.

As part of the activity, the Target Client List (TCL) of the different health programs was checked and validated to ensure that records were properly updated, complete, and consistent with the available source documents and reports. The SGA-FHO coordinators also reviewed the submitted data, identified gaps and discrepancies, and provided necessary guidance to the concerned health personnel.

Feedbacking was conducted by the SGA-FHO coordinators after the assessment, where the findings, observations, and areas for improvement were discussed with the RHU team. Recommendations were provided to strengthen documentation, data recording, consolidation, and reporting practices.

The SGA-FHO coordinators also recognized and gave commendations to the BHS midwives for their efforts, cooperation, and accomplishments in maintaining and improving the quality of health data. The feedback and commendations served as an opportunity to acknowledge good practices while encouraging the team to continuously improve their program implementation and reporting.

Overall, the 2nd Quarter DQC strengthened data quality practices at RHU Pahamuddin and ensured that health program data are accurate, reliable, and useful for monitoring, evaluation, planning, and decision-making.

🚭 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐀𝐋 𝐒𝐀 πˆππƒπ”π’π“π‘πˆπ˜π€ 𝐍𝐆 π“π€ππ€πŠπŽ!Ang kalusugan ng ating komunidad ay hindi dapat ipagpalit sa kita ng industriya ng...
20/08/2026

🚭 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐀𝐋 𝐒𝐀 πˆππƒπ”π’π“π‘πˆπ˜π€ 𝐍𝐆 π“π€ππ€πŠπŽ!

Ang kalusugan ng ating komunidad ay hindi dapat ipagpalit sa kita ng industriya ng tabako. βŒπŸ’°

Ang industriya ng tabako ay nagpo-promote ng mga produktong nagdudulot ng sakit at kamatayan, habang ang mga komunidad, pamilya, at kalikasan ang nagdurusa sa mga epekto nito.

πŸ’š Bakit tayo dapat tumanggi?
βœ”οΈ Pinoprotektahan natin ang ating mga anak at kabataan
βœ”οΈ Inuuna natin ang kalusugan kaysa kita
βœ”οΈ Ipinagtatanggol natin ang mga polisiya para sa kalusugan
βœ”οΈ Pinangangalagaan natin ang ating kapaligiran
βœ”οΈ Nagtatayo tayo ng mas malusog at walang tabakong kinabukasan

RHU Pahamuddin ay naninindigan:
🚫 Walang partnership o pondo mula sa industriya ng tabako.
🚫 Walang pakikialam ng industriya ng tabako sa mga polisiya at programa sa kalusugan.
🚫 Walang promosyon ng produktong tabako.

PROTEKTAHAN ANG ATING KALUSUGAN. PROTEKTAHAN ANG ATING KINABUKASAN.
πŸ›‘ SABIHIN ANG HINDI SA INDUSTRIYA NG TABAKO!

πŸ“ Rural Health Unit Pahamuddin
πŸ“ž RHU Pahamuddin Hotline: 09263787325/09069298740
πŸ’š Kalusugan, Para sa Lahat.



Kudos sa ating dalawang BHS Midwives! πŸŒΈπŸ‘πŸ‘‰Samira A. Glang, RM, BSMπŸ‘‰Mobina S. Mokamadali, RM, BSMKayo ang kauna-unahang na...
27/07/2026

Kudos sa ating dalawang BHS Midwives! πŸŒΈπŸ‘

πŸ‘‰Samira A. Glang, RM, BSM
πŸ‘‰Mobina S. Mokamadali, RM, BSM

Kayo ang kauna-unahang nagpa-VIA (Visual Inspection with Acetic Acid) bilang huwaran sa ating kampanya laban sa cervical cancer.

Ang inyong tapang at suporta ay nagbibigay-inspirasyon sa iba pang kababaihan na magpasuri.

Sama-sama nating isulong ang early screening, early detection, at early treatment. πŸ’œ

Congratulations sainyo, mga Ma'am!πŸ‘πŸ‘πŸ‘

🌸 1st Batch Visual Inspection with Acetic Acid (Cervical Cancer Screening) Successfully conducted by our trained health ...
27/07/2026

🌸 1st Batch Visual Inspection with Acetic Acid (Cervical Cancer Screening) Successfully conducted by our trained health providers🌸

πŸ’š Matagumpay na naisagawa ang VIA screening sa unang dalawang barangay, at lahat ng mga na-screen ay nagkaroon ng NEGATIVE na resulta.

πŸ‘ŒAng pinakamagandang makita ay ang kanilang mga ngiti pagkatapos ng procedure, dahil napatunayan nilang ang VIA screening ay mabilis, ligtas, at hindi gaanong masakit.πŸ˜€

πŸ’ͺMatatapang ang dalawang (2) BHS Midwives na unang sumabak sa VIA sinundan ng apat (4) na mga Barangay Health Workers at walong (8) mga nanay. Sila ang mga matatapang at nagpatunay na hindi masakit ang pamamaraan ng Visual Inspection with Acetic Acid (VIA).πŸ’ͺ

πŸ“£ Panawagan sa lahat ng mga nanay:
Huwag nang maghintay na magkaroon ng sintomas. Magpa-VIA screening na! πŸ€—

🧐Ang maagang pagsusuri at maagang pagtuklas ng cervical cancer ang susi upang ito ay maiwasan at magamot sa tamang panahon.πŸ‘Œ

Ang inyong kalusugan ay mahalaga. Sama-sama nating palakasin ang kampanya para sa early screening at early detection ng cervical cancer.πŸ‘Œ



πŸ“’ PANAWAGAN SA LAHAT NG MAMAMAYAN NG PAHAMUDDIN! πŸ’šBilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-2 Founding Anniversary ng Municipa...
27/07/2026

πŸ“’ PANAWAGAN SA LAHAT NG MAMAMAYAN NG PAHAMUDDIN! πŸ’š

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-2 Founding Anniversary ng Municipality of Pahamuddin, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa MEDICAL MISSION na handog ng Municipality of Pahamuddin sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health (MOH) – BARMM.

πŸ“… Petsa: July 27, 2026
πŸ“ Lugar: Libungan Torreta, Pahamuddin, SGA

🩺 MGA LIBRENG SERBISYO: βœ… Medical Consultation
βœ… Libreng Gamot
βœ… Blood Pressure at Blood Sugar Screening
βœ… Maternal and Child Health Services
βœ… Health Education and Counseling

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Bukas para sa lahat, lalo na sa:
πŸ‘Ά Mga Bata
🀰 Buntis
πŸ‘΅ Senior Citizens
β™Ώ Persons with Disabilities (PWDs)
🏑 Lahat ng residente ng Pahamuddin

Huwag palampasin ang pagkakataong makakuha ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa inyong sarili at pamilya.

Sama-sama nating ipagdiwang ang ika-2 Founding Anniversary ng Municipality of Pahamuddin sa pamamagitan ng pagtataguyod ng isang mas malusog na komunidad.

πŸ’š Serbisyong Pangkalusugan na Abot ng Lahat!
πŸ’š Hatid ng Municipality of Pahamuddin at Ministry of Health (MOH) – BARMM.

26/07/2026

RHU joined the parade on 2nd Founding Anniversary of Pahammuddin Municipality

πŸ“’ INVITATION TO ALL WOMEN🌸 Assalamu Alaikum, mga minamahal na kababaihan! 🌸Inaanyayahan po ng Rural Health Unit – Pahamu...
24/07/2026

πŸ“’ INVITATION TO ALL WOMEN

🌸 Assalamu Alaikum, mga minamahal na kababaihan! 🌸

Inaanyayahan po ng Rural Health Unit – Pahamuddin ang lahat ng kababaihang:

βœ… May asawa
βœ… Sexually active

na magpa-VIA (Visual Inspection with Acetic Acid) para sa maagang pagtuklas ng cervical cancer.

πŸ’š BAKIT MAGPA-VIA?

βœ” LIBRE ang serbisyo.
βœ” PAINLESS at mabilis ang procedure.
βœ” AGAD-AGAD ang resulta.
βœ” Nakakatulong sa maagang pagtuklas at pag-iwas sa cervical cancer.

✨ Huwag nang maghintay na magkaroon ng sintomas. Ang maagang pagpapasuri ay makapagliligtas ng buhay.

πŸ“ Magtungo sa Rural Health Unit – Pahamuddin πŸ•˜ Magpa-schedule o bumisita sa oras ng klinika.

🌸 Tara na! Magpa-VIA na sa RHU!
Agarang pagsusuri para sa agarang resulta.
Layunin natin ang NEGATIVE na VIA result at isang healthy body. πŸ’š

Libre, painless, mabilis, at agad mong malalaman ang iyong resulta.
Huwag maghintay ng sintomasβ€”ang maagang pagpapasuri ay nakapagliligtas ng buhay.

πŸ’š Tara na sa RHU!

Agarang pagsusuri para sa NEGATIVE na resulta at healthy body.

Ang maagang pagpapasuri ay para sa iyong kalusugan, para sa iyong pamilya, at para sa iyong kinabukasan.

"Screen Today, Live Tomorrow, Love Life."

Address

Pigcawayan
Pigkawayan
9412,64

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rural Health Unit - Pahamuddin, SGA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share