10/08/2026
📢 PAUNAWA SA LAHAT NG MAGSASAKA, MANGINGISDA, FARM WORKERS AT AGRI-YOUTH!
🌾 RSBSA REGISTRATION AT UPDATING 🌾
Inaanyayahan ang lahat ng magsasaka, farm workers, mangingisda at agri-youth na magparehistro o mag-update ng kanilang impormasyon sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng Department of Agriculture.
Ang RSBSA ay mahalagang database ng pamahalaan na ginagamit bilang reference sa pagtukoy ng mga kwalipikadong benepisyaryo para sa iba't ibang programa at serbisyo ng Department of Agriculture.
📌 SINO ANG MAAARING MAGPAREHISTRO?
• Magsasaka
• Farm worker/laborer
• Mangingisda
• Agri-youth
📄 MGA DOKUMENTONG MAARING KAILANGAN:
• Accomplished RSBSA Enrollment Form
• Valid Government ID
• 2x2 ID picture
• Katibayan ng pagmamay-ari, pangungupahan o paggamit ng lupang sinasaka, kung kinakailangan.
✅ LIBRE ANG PAGPAPAREHISTRO.
🌱 Magparehistro. Magpa-update. Siguraduhing tama ang datos.
📝Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Office of Municipal Agriculturist-Pikit, Cotabato.