10/11/2025
Ang AFP, PNP, BFP AT MDRRMO ng Maguindanao del Sur,lumahok sa “Unifier Rescue and Response Challenge 2025”.
Datu Hoffer, Maguindanao del Sur – Nobyembre 7, 2025.
Ipinamalas ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMO) ng iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Sur ang kanilang husay at dedikasyon sa Unifier Rescue and Response Challenge 2025 — isang malawakang simulation exercise on humanitarian assistance and disaster response operations.
Ang aktibidad ay mahigpit na binantayan ng Alpha Company, 90 Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion, 6ID, PA, sa pangunguna ni 2LT ARJEM PAUL CASTROMAYOR (INF) PA, Platoon Leader, ang seguridad ng mga lumahok na ginanap sa Barangay Labu-Labu II, Datu Hoffer, MDS.
Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan, koordinasyun, at ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan at lokal na mga responders sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng sakuna at emerhensiya.
Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang LGUs ng lalawigan, kabilang ang mga opisyal at kawani ng AFP, PNP, BFP, at MDRRMO. Kabilang sa mga lumahok na bayan ang Datu Piang, Datu Hoffer, Ampatuan, Datu Anggal Midtimbang, Talayan, Guindulungan, Mamasapano, Rajah Buayan, at Sultan sa Barongis. Dumalo rin bilang mga observers ang mga kinatawan mula sa Shariff Saydona Mustapha, Datu Saudi Ampatuan, at tatlong LGUs ng Maguindanao del Norte — Mother Kabuntalan, Datu Odin Sinsuat, at Talitay.
Samantala, unang sumabak sa mga aktibidad ang mga team mula sa Bayan ng Mamasapano, Datu Piang, at Rajah Buayan. Sa kabila ng mga hamon, matagumpay nilang naisagawa ang mga simulation exercises na kinabibilangan ng Fire Drill, Basic Life Support, First Aid, Casualty Evacuation through River Crossing, at High-Angle Rescue Obstacles.
Ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang tapang, disiplina, at kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna, na siyang tunay na diwa ng Unifier Rescue and Response Challenge 2025. Isang patunay ng matatag na kooperasyon at malasakit sa kapwa ng mga tagapagligtas ng Maguindanao del Sur.