01/09/2026
Bayan ng Pikit, Nag-Uwi ng mga Pangunahing Parangal sa Yaman ng Cotabato Travel and Trade Expo 2026
Muling pinatunayan ng Pamahalaang Lokal ng Pikit ang kanilang galing at sining matapos magwagi ng tatlong pangunahing parangal sa ginanap na Yaman ng Cotabato Travel and Trade Expo 2026, kaugnay ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival sa Probinsya ng Cotabato
Ginanap ang awarding ceremony ngayong araw, Agosto 31, 2026, sa The Basket, Provincial Capitol Grounds, Amas, Kidapawan City. Nasungkit ng Bayan ng Pikit ang mga sumusunod na pagkilala:
📌 Best Booth
📌 Most Visited Booth
📌 Best Tourism Showcase
Ang makasaysayang tagumpay na ito ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Hon. Muhyryn D. Sultan-Casi at Vice Mayor Hon. Sumulong K. Sultan. Matagumpay na naisagawa ang malikhaing partisipasyong ito kung saan ipinamalas ang makulay na kultura, mga natatanging produkto, at ang mayamang pamana ng bayan.
Ipinagkaloob ang mga parangal sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Hon. Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza, MNSA, na patuloy na sumusuporta sa pagpapalago ng turismo, sining, at lokal na ekonomiya sa buong lalawigan sa ilalim ng adhikain ng "Serbisyong Totoo."
Happy Kalivungan Festival 2026!
Mabuhay ang Probinsya ng Cotabato!