15/10/2025
Alhamdulillah at APPROBADO NA ANG RESOLUSYON PARA SA PAGBUO NG PERSONNEL SELECTION AND PROMOTION BOARD NG BAYAN NG TUGUNAN
APPROBADONG RESOLUSYON PARA SA PAGBUO NG PERSONNEL SELECTION AND PROMOTION BOARD NG BAYAN NG TUGUNAN
MANAULANAN — Sa ginanap na Special Session ng Sangguniang Bayan ng Tugunan kahapon, Oktubre 14, 2025, sa Office of the Vice Mayor, ay naaprubahan ang Municipal Resolution No. 55 na may pamagat na:
“A Resolution Creating the Municipal Human Resource Personnel Selection and Promotion Board (MHRPSPB) for the Executive and Legislative Branches of the Municipal Government of Tugunan to Ensure Fair, Merit-Based, and Transparent Recruitment and Promotion of Personnel.”
Ang naturang resolusyon ay inihain ni Hon. Jimmy K. Asab, SB Member at Chairman ng Committee on Good Government, Public Ethics, and Accountability. Layunin nito na tiyakin ang patas, batay sa merito, at malinaw na proseso sa recruitment at promotion ng mga kawani ng pamahalaang lokal.
Ayon kay Hon. Asab, mahalagang “best of the best” ang mapili sa mga posisyon sa munisipyo sapagkat sila ang magiging kaagapay sa pagpapatakbo ng maayos at matagumpay na pamahalaan sa bagong tatag na bayan ng Tugunan.
Ang pagkakapasa ng resolusyong ito ay hudyat ng pagsisimula ng hiring process para sa mga permanenteng empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Tugunan. Nakasaad din sa dokumento ang mahigpit na pagpapatupad ng merit-based policy sa pagpili ng mga aplikante, bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan tungo sa mas episyente, tapat, at makataong serbisyo publiko.
Samantala, pinaalalahanan ni Hon. Vice Mayor Suharto S. Hashim ang mga miyembro ng Selection Board na siguruhin na tanging ang mga karapat-dapat lamang ang mapipili para sa mga posisyon at isalang-alang ang prinsipyo ng moral governance sa bawat desisyon na kanilang gagawin.