Sangguniang Kabataan Barangay Masico

Sangguniang Kabataan Barangay Masico Official Page of SK Masico
2024-2025

ANNOUNCEMENT 📣 📣Para sa lahat po ng kabataan na ninanais lumahok sa ating nalalapit na INTER BARANGAY, kayo po ay malugo...
17/03/2026

ANNOUNCEMENT 📣 📣

Para sa lahat po ng kabataan na ninanais lumahok sa ating nalalapit na INTER BARANGAY, kayo po ay malugod na inaanyayahan sa Masico Covered Court, sa Marso 8, 2026 sa ganap na ika-6 ng gabi.

Para sa iba pang detalye at katanungan mangyari lamang pong mag message sa ating SK Chairman Dale Lapugot o sa ating mismong page.

Ano pang hinihintay mo, arat na ✨🏀🏀🏀

Kabataan, oras na para magkaisa!Halina’t makiisa sa Katipunan ng Kabataan Assembly 2026 – isang pagtitipon ng sigla, tal...
05/03/2026

Kabataan, oras na para magkaisa!
Halina’t makiisa sa Katipunan ng Kabataan Assembly 2026 – isang pagtitipon ng sigla, talino, at lakas ng kabataan!

🗓 March 08, 2026
🕑 2:00 PM
📍 Purok 1, Masico Covered Court

✨ Sama-sama nating itaas ang boses ng kabataan.
✨ Sama-sama tayong magbigay inspirasyon.
✨ Sama-sama tayong magtagumpay!

Isang makabuluhang araw na naman ang nairaos ng Sangguniang Kabataan Barangay Masico kasama ang mga kapita-pitagang mga ...
13/09/2025

Isang makabuluhang araw na naman ang nairaos ng Sangguniang Kabataan Barangay Masico kasama ang mga kapita-pitagang mga miyembro ng ating kapulisan, gayundin ang pag bibigay ng written exam sa mga susunod na kabataang SKolar ng Masico

Sa pangunguna ng ating SK Chairman Dale Lapugot, kaakibat si SK Chairman Kier, at mga miyembro ng Sanggunian higit sa lahat ang mga kinatawan ng ating kapulisan sa bayan ng Pila

Kaisa ang mga kabataan ng Barangay Masico sabay sabay nating nilinang at isasabuhay ang kahalagahan ng kaalaman ukol sa pag iwas sa droga at pakikiisa kontra terorismo

"Ikaw, ako, tayo, KABATAAN KONTRA DROGA AT TERORISMO".

Muli pasasalamat sa pakikilahok, at nawa'y isa isip at isapuso ang ating mga natutunan.

Salamat din sa ating mga butihing kapulisan sa pagbibigay ng kaalaman at awareness sa bawat isa




HALINA AT MAKIISA, ITO NA ANG ARAW NA ITO, BUMANGON AT MAKILAHOK NAAAAA!!! ✨✨✨✨Magandang araw, mga kabataan! Inaanyayaha...
13/09/2025

HALINA AT MAKIISA, ITO NA ANG ARAW NA ITO, BUMANGON AT MAKILAHOK NAAAAA!!! ✨✨✨✨

Magandang araw, mga kabataan! Inaanyayahan namin kayo sa KKDAT at SK Assembly 2025 na may temang: 🗣️ “Kabataan Kontra Droga at Terorismo”
📅 Gaganapin ito sa [Sept. 13, 2025]
📍 Sa [Purok 1, Covered Court]
⏰ Simula ng [9:30 AM]

Ito ay isang pagtitipon para sa mga lahat ng Kabataan ng Brgy. MASICO, kung saan pag-uusapan natin ang mga isyung mahalaga sa ating komunidad—mula sa droga, terorismo, hanggang sa mga hakbang para sa mas ligtas at mas progresibong barangay.

Paalala sa mga aplikante ng SKolarship: Sa araw ng assembly, magkakaroon ng written test at final interview para sa mga kabataang nag-apply sa SKolarship program. Siguraduhing magdala ng ballpen, valid ID, at Copy of Grades. Ito na ang pagkakataon ninyong maipakita ang inyong galing at pangarap para sa kinabukasan!

Tara na, sama-sama tayong kumilos para sa bayan! 💪

Magandang araw, mga kabataan! Inaanyayahan namin kayo sa KKDAT at SK Assembly 2025 na may temang: 🗣️ “Kabataan Kontra Droga at Terorismo”
📅 Gaganapin ito sa [Sept. 13, 2025]
📍 Sa [Purok 1, Covered Court]
⏰ Simula ng [9:30 AM]

Ito ay isang pagtitipon para sa mga lahat ng Kabataan ng Brgy. MASICO, kung saan pag-uusapan natin ang mga isyung mahalaga sa ating komunidad—mula sa droga, terorismo, hanggang sa mga hakbang para sa mas ligtas at mas progresibong barangay.

Paalala sa mga aplikante ng SKolarship: Sa araw ng assembly, magkakaroon ng written test at final interview para sa mga kabataang nag-apply sa SKolarship program. Siguraduhing magdala ng ballpen, valid ID, at Copy of Grades. Ito na ang pagkakataon ninyong maipakita ang inyong galing at pangarap para sa kinabukasan!

Tara na, sama-sama tayong kumilos para sa bayan! 💪

Magandang araw, mga kabataan! Inaanyayahan namin kayo sa KKDAT at SK Assembly 2025 na may temang: 🗣️ “Kabataan Kontra Dr...
09/09/2025

Magandang araw, mga kabataan! Inaanyayahan namin kayo sa KKDAT at SK Assembly 2025 na may temang: 🗣️ “Kabataan Kontra Droga at Terorismo”
📅 Gaganapin ito sa [Sept. 13, 2025]
📍 Sa [Purok 1, Covered Court]
⏰ Simula ng [9:30 AM]

Ito ay isang pagtitipon para sa mga lahat ng Kabataan ng Brgy. MASICO, kung saan pag-uusapan natin ang mga isyung mahalaga sa ating komunidad—mula sa droga, terorismo, hanggang sa mga hakbang para sa mas ligtas at mas progresibong barangay.

Paalala sa mga aplikante ng SKolarship: Sa araw ng assembly, magkakaroon ng written test at final interview para sa mga kabataang nag-apply sa SKolarship program. Siguraduhing magdala ng ballpen, valid ID, at Copy of Grades. Ito na ang pagkakataon ninyong maipakita ang inyong galing at pangarap para sa kinabukasan!

Tara na, sama-sama tayong kumilos para sa bayan! 💪

Para sa kabatiran ng lahat ng Kabataan sa Barangay MasicoNais po namin kayong anyayahan na makiisa at makisaya sa gagana...
29/08/2025

Para sa kabatiran ng lahat ng Kabataan sa Barangay Masico

Nais po namin kayong anyayahan na makiisa at makisaya sa gaganaping "Linggo ng Kabataan Worship Night"

Pinakamahalaga ay ang pakikiisa lalo't higit ang mga kabataang ninanais na makasali at mapili bilang iskolar ng Masico

Sa mga iba pang impormasyon, ay mangyari lamang basahin ang nasa larawan

Makiisa, at makisaya
Dahil angat ang kabataan na responsable at maaasahan

🫶💗

Worship Night 2025

Theme: “Living above the noise: Conquering Modern Temptations”

📍 Sta. Clara Norte Covered Court
📅 August 31 | Sunday | 3PM

Hey Pila youth! 🙌

Let’s gather for a powerful night of worship, reflection, and connection. In a world full of noise and distractions, it’s time to rise above and fix our hearts on what truly matters.

Come as you are. Leave renewed.

Tunay nga na "Kabataan parin ang pag-asa ng Bayan", nararapat lamang na ito ay ipagpatuloy at pahalagahan, at mariing su...
24/08/2025

Tunay nga na "Kabataan parin ang pag-asa ng Bayan", nararapat lamang na ito ay ipagpatuloy at pahalagahan, at mariing suportahan.

Kaya bilang tugon bilang mga lider kabataan ng ating barangay, naririto ang muling pagbubukas at pagpapatuloy ng SKolarship kung saang naglalayong makapagbigay ng suportang pinansyal sa mga mag aaral na masigasig na nag-aaral sa baitang "Senior High School" at Kolehiyo, kung ninanais maging isa sa kabahagi ay basahing mabuti ang mga kinakailangang gawin at ihanda sa opisyal na screening o pagsasala ng mga susunod na iskolar ng ating barangay.

Mga Kinakailangan

1. Lehitimong naninirahan sa Brgy. Masico
2. Copy of grades sa kasalukuyang panuruang 2025-2026
3. Pagdalo sa Linggo ng Kabataan sa darating na ika 31 ng Agosto
4. Kahandaan sa pagiging responsableng mag-aaral at lider kabataan

Kung ninanais mapabilang o maging bahagi, ay mangyari lamang punan at sagutan ang link ng google form na nasa ibaba, ang HINDI pagsunod sa mga kinakailangan o requirements, ay nangangahulugang hindi kwalipikado sa nasabing proyekto

"Ang pagiging responsableng mag-aaral, ay tanda ng pagiging isang responsableng lider kabataan".

https://forms.gle/DcAodfNyu4dVfJn67

Ang pagsagot po sa google form ay hanggang ika 31 ng Agosto, mangyari lamang pong umantabay sa mga susunod na anunsyo

Muling nag babalik heto na ang aming pasilipHuwag ng magpatumpik tumpik paHalina at sumali naI-ready na ang pangmalakasa...
31/07/2025

Muling nag babalik heto na ang aming pasilip
Huwag ng magpatumpik tumpik pa
Halina at sumali na

I-ready na ang pangmalakasan mong galawan
Sa hiyawan o rampahan
Tiyak kabataan ang panalo dyan
Kaya ano pang hinihintay mo, tara na at makilahok huwag nang magmukmok sa sulok

Dahil KABATAAN at pusong KABATAAN ang bida sa larangang pang sports pa 🏐🏐🏐🏐

Linggo ng Kabataan, aba di ka papahuli dyan
🎉🤍💗

Photo Credits 🫶

05/05/2025

Isang malungkot na balita ang bumungad sa ating lahat ngayong araw, namaalam na ang isa sa ating minamahal na Konsehala ng ating barangay Konsi Veronica Mejoras, hindi matatawaran ang sipag sa trabaho at galing sa pakikisama sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya, konsehalang maaasahan sa lahat ng oras at pangangailangan.

Hindi alintana ang sakit na iniinda, dahil sa patuloy na pag tulong sa kapwa lalo't higit sa kanyang pamilya, babaeng simbolo ng katatagan at tunay na maaasahan

Masiyahin sa kabila ng problema, isang tunay na ilaw ng tahanan, at tunay na lingkod bayan

Kung nasaan ka man, Tita Konsi, nawa ay magaan na ang iyong pakiramdam at sana sa susunod na habang buhay, mayroon parin isang ikaw

Saludo ang lahat ng nakakakilala sayo dahil tunay kang maipagmamalaki, isang mabuting ina, at mapagkalingang konsehala

Hanggang sa Muli Tita Konsi, mahal ka ng buong Sangguniang Kabataan ng Masico

Patuloy nating ipagdasal ang lahat ng naulila ng ating Konsehala, at nawa ay bigyan sila ng lakas para harapin ang pagsubok na ito.

Di ka malilimutan, salamat Tita Konsi Veron 🤍🙏🕊️🕊️🕊️

May your soul rest in peace.

01/05/2025

Pabatid mula sa Sangguniang Kabataan ng Masico📢📢

Ipinapaabot po namin sa publiko na
ang Sangguniang Kabataan ng Masico ay malinis at walang anumang pagkakautang. Hindi po kami humihiram ng pera at hindi kailanman gagamit ng pangalan ng SK para sa personal na layunin.

Ang aming pondo ay maayos na naipamamahala at ginagamit lamang
para sa kapakanan ng kabataan. Tinitiyak po namin na ang SK ng Masico ay hindi nakararanas ng anumang problemang pinansyal at nananatiling tapat sa paglilingkod.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong tiwala.

Iba talaga ang tatak Masiconians! 👏♥️Congratulations to our newly crowned Mutya ng Turismo 2025 Mary Katherine Ane Collo...
07/03/2025

Iba talaga ang tatak Masiconians! 👏♥️

Congratulations to our newly crowned Mutya ng Turismo 2025 Mary Katherine Ane Collo and Lakan ng Pila 1st Runner Up Gerome Kiel Lapugot 👑

Hindi talaga papahuli at papatinag ang angking ganda, talento at talino ng isang tatak Masiconians, pinahanga niyo kaming lahat.

Move give way, Lakan at Mutya ng Masico is indeed on the way. Congratulations to our very own, Lakan at Mutya 2025

Presenting Mutya ng Turismo 2025 Special Awards

• Power Scents Choice Award 2nd Runner Up
• Tashyo Salon & Spa Choice Award
• Best in Talent
• Best in Filipiñiana Attire

Presenting Lakan ng Pila 2025 1st Runner Up Special Awards

• Best in Barong Attire
• Mr. Congeniality

Ariba, Arangkada iba talaga ang Kabataan Pileno at Pilena ✨♥️




📷 EM Photography & Films solid ka talaga lodi 👌

Move give way Mutya at Lakan ng Masico is on the wayMag ingay, sumuporta, makibahagi, at makiisaSapagkat ito na ang gabi...
07/03/2025

Move give way Mutya at Lakan ng Masico is on the way

Mag ingay, sumuporta, makibahagi, at makiisa
Sapagkat ito na ang gabi para sa ating minimithing susunod na korona

Let us support Mutya Mary Katherine Ane Collo representing Brgy. Masico and Lakan Gerome Kiel Lapugot 👑♥️

Ariba, arangkada dahil ngayong gabi atin ang susunod na korona! Taglay ang angking talino, talento at ganda, di magpapahuli Masico pa ba?



Address

Masico
Pila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Barangay Masico posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share