07/08/2026
Nagsagawa ng pagpupulong ang National Irrigation Administration (NIA) kasama ang mga may-ari ng mga apektadong lote sa bayan ng Rosario, Batangas upang talakayin ang Deed of Usufruct kaugnay ng implementasyon ng mga proyektong patubug kabilang ang Cahigam Small Pump Irrigation Project (SPIP), Bulihan SPIP, Mavalor SPIP, at Maruyo SPIP.
Sa isinagawang pagpupulong, ipinaliwanag sa mga may-ari ng lote ang layunin at kahalagahan ng Deed of Usufruct, gayundin ang mga karapatan at pananagutan ng bawat panig na nakapaloob sa kasunduan. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng kanilang pakikiisa at kooperasyon upang matiyak ang maayos at napapanahong pagpapatupad ng mga proyekto.
Naging pagkakataon din ang talakayan upang matugunan ang mga katanungan at paglilinaw ng mga may-ari ng lote, habang pinalalim ang kanilang pag-unawa sa mga benepisyong hatid ng mga proyektong ito, kabilang ang pagpapabuti ng suplay ng patubig at pagpapataas ng produktibidad ng agrikultura sa kanilang lugar.
sa