Sangguniang Barangay Nagwaling

Directions Contact the organization

Sangguniang Barangay Nagwaling Tungo sa Progresibong Pamayanan

Isang malaking karangalan para sa Barangay Nagwaling at sa bayan ng Pilar, Bataan!Malugod na pinababatid na tayo ay muli...
24/09/2026

Isang malaking karangalan para sa Barangay Nagwaling at sa bayan ng Pilar, Bataan!

Malugod na pinababatid na tayo ay muling pinarangalan bilang isa sa B.E.S.T. Barangay Passer 2026 kasama ang 6 pang ibang barangay mula sa Pilar ,Bataan

Mula sa pamumuno ng ating Masipag na Kapitan Ronaldo L. Esmabe Kasama ng Mga kagawad , Sk chairwoman, Secretary,treasurer at clerk
Pati na rin sa tulong ng mga Katanuran , BNS, BHW ,4ps members, Senior at Iba pang sektor ng Barangay. Maraming Salamat sa inyong dedikasyon sa ating mga tungkulin.

Ito ay patunay ng pagsusumikap, magandang pamamahala, at pagtutulungan ng mga opisyal at ng buong komunidad.

Ang tagumpay na ito ay Alay namin sa lahat ng ating mga Ka-barangay, Mabuhay Barangay Nagwaling ‼️

🌊 NAGWALING, NAKIISA SA COASTAL CLEAN-UP 2026! 🌿Matagumpay na nakiisa ang Barangay Nagwaling, Pilar, Bataan sa ginanap n...
19/09/2026

🌊 NAGWALING, NAKIISA SA COASTAL CLEAN-UP 2026! 🌿

Matagumpay na nakiisa ang Barangay Nagwaling, Pilar, Bataan sa ginanap na Coastal Clean-Up ngayong araw, Setyembre 19, 2026.

Sa pangunguna ng ating Punong barangay Ronaldo L. Esmabe kasama ng mga kagawad, nagkapit-bisig ang 32 boluntaryo mula sa:

🔹 Sangguniang Barangay
🔹 4Ps Members

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at sipag upang mapanatiling malinis at ligtas ang ating baybayin at kapaligiran. Ang inyong pagkakaisa ay tunay na maipagmamalaki ng ating komunidad! 💚

MARAMING SALAMAT, PANGULONG FERDINAND "BONGBONG" MARCOS JR. (PBBM)!🇵🇭✨Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng B...
18/09/2026

MARAMING SALAMAT, PANGULONG FERDINAND "BONGBONG" MARCOS JR. (PBBM)!🇵🇭✨

Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Barangay Nagwaling, Pilar, Bataan sa ating Mahal na Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang Program" (PBBM).

Sa pamamagitan ng Assistance for Barangay Identified Development Priorities,pormal nang naisagawa ang ating Priority Development Project na nagkakahalaga ng ₱100,000.00para sa:

📹 Procurement and Installation of 10 CCTV Cameras with Monitor

Ang proyektong ito ay malaking hakbang tungo sa mas ligtas, maayos, at payapang pamayanan para sa bawat pamilyang Nagwaleno. Mas mabilis na natin mai-re-record at mai-mo-monitor ang seguridad sa mga pangunahing kalsada at pampublikong lugar sa ating barangay.

Maraming salamat po sa patuloy na pag-alalay at pagbibigay-halaga sa mga pangangailangan ng ating lokal na pamayanan!

📢 PARA SA KAALAMAN NG LAHATHinggil po sa patuloy na paglaganap ng dengue outbreak, narito po ang aming letter request pa...
09/09/2026

📢 PARA SA KAALAMAN NG LAHAT

Hinggil po sa patuloy na paglaganap ng dengue outbreak, narito po ang aming letter request para sa pagsasagawa ng fogging bilang karagdagang hakbang upang makatulong sa pagkontrol ng pagdami ng lamok na maaaring magdala ng dengue.
Samantala, mahigpit po naming hinihiling ang pakikiisa ng bawat pamilya sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang mga tahanan at bakuran.

🦟 Linisin po ang inyong paligid at alisin ang mga maaaring pamugaran ng lamok, lalo na ang mga lugar o lalagyan na maaaring maipunan ng tubig at pamahayan ng mga kiti-kiti.

Tulad po ng lagi nating paalala tuwing 4 O'Clock Habit, ang programang ito ay dapat nating isabuhay at ipatupad sa bawat tahanan. Hindi lamang po ito responsibilidad ng Barangay, ang kalinisan at kaligtasan ng ating mga bakuran ay nakasalalay din sa bawat isa sa atin.

🤝 Magtulungan po tayo upang maiwasan ang paglaganap ng dengue.
Linisin ang paligid. Alisin ang pamugaran ng lamok. Protektahan ang bawat pamilya.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta. 💚🦟

— Sangguniang Barangay ng Nagwaling

Taos-pusong pasasalamat 🙏🏻mula sa Sangguniang Barangay ng Barangay Nagwaling sa pangunguna ni Punong Barangay RONALD ESM...
02/09/2026

Taos-pusong pasasalamat 🙏🏻
mula sa Sangguniang Barangay ng Barangay Nagwaling sa pangunguna ni Punong Barangay RONALD ESMABE sa DSWD Food Box na natanggap ng ating mga kababayan dito sa ating Barangay Nagwaling kina Cong. Abet Garcia, Gov. Joet Garcia, Mayor Charlie Pizarro, Madam Tin, Vice Mayor Cess Garcia at ng buong Sangguniang Bayan ng Pilar, Maraming Salamat po🫶🏻

📢 PAUNAWA SA LAHATIpinababatid po sa lahat ng  nasa Huling batch ng pahabol na listahan na maaari na po kayong pumunta b...
02/09/2026

📢 PAUNAWA SA LAHAT

Ipinababatid po sa lahat ng nasa Huling batch ng pahabol na listahan na maaari na po kayong pumunta bukas September 3,2026 8am -5pm sa Munisipyo ng Pilar Sa One Stop Shop upang ma-claim ang inyong DSWD Food Pack.

Mangyaring dalhin po ang 1 Valid ID
para sa maayos na proseso ng pag-claim.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa. 🤍

📢 PAUNAWA SA LAHATIpinababatid po sa lahat ng  nasa Huling batch ng pahabol na listahan na maaari na po kayong pumunta N...
01/09/2026

📢 PAUNAWA SA LAHAT

Ipinababatid po sa lahat ng nasa Huling batch ng pahabol na listahan na maaari na po kayong pumunta Ngayong 6:00 pm September 1,2026 sa Nagwaling Barangay Hall upang ma-claim ang inyong DSWD Food Pack.

Mangyaring dalhin po ang kinakailangang
ID para sa maayos na proseso ng pag-claim.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa. 🤍

📢 PAUNAWA SA LAHATIpinababatid po sa lahat ng  nasa listahan na maaari na po kayong pumunta Ngayong 2:20pm sa Nagwaling ...
01/09/2026

📢 PAUNAWA SA LAHAT

Ipinababatid po sa lahat ng nasa listahan na maaari na po kayong pumunta Ngayong 2:20pm sa Nagwaling Barangay hall upang ma-claim ang inyong DSWD Food Pack.

📌 Mangyaring dalhin po ang kinakailangang

ID para sa maayos na proseso ng pag-claim.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa. 🤍

01/09/2026

‼️‼️ POWER INTERRUPTION ‼️‼️
Isang paalala po sa mga taga-Nagwaling at mga karatig-lugar sa Pilar na i-handa na ang mga kailangan (tulad ng pag-charge ng mga gadget, pag-iimbak ng tubig kung kinakailangan, at pagpatay sa mga pangunahing appliances) bago magsimula ang nakatakdang power interruption mamayang alas-12 ng tanghali hanggang alas-5 ng hapon ngayong araw, Setyembre 1, 2026.

MAGANDANG GABI PO SA ATING LAHAT!Para po sa ating mga kabarangay na hindi pa nakakakuha o nakapag-claim ng kanilang Food...
31/08/2026

MAGANDANG GABI PO SA ATING LAHAT!

Para po sa ating mga kabarangay na hindi pa nakakakuha o nakapag-claim ng kanilang Food Pack, maaari pa rin po itong i-claim sa

📍Evacuation Center ng Pilar na matatagpuan sa likod ng ating RHU Pilar

📍Simula Sept 1,2026
bukas ,Tuesday- Friday (8am-4pm)

📌 Paalala:
Dalhin lamang po ang inyong Food Pack Stub at Valid ID para sa validation. Hindi na po kailangan ng xerox copy.

Maaari rin po nating ipagbigay-alam ito sa ating mga kapitbahay o kabarangay na hindi pa nakakapag-claim upang matulungan silang makuha ang kanilang Food Pack.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.🙏🏻

Address

J. J. Linao Road, Nagwaling
Pilar
2101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay Nagwaling posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay Nagwaling:

Shortcuts

Share