16/04/2026
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡
Isinabatas ang 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟲, 𝗦. 𝟮𝟬𝟮𝟲 na naglalayong i-regulate ang paggamit, pagbebenta, distribusyon, at pag-aanunsyo ng sigarilyo, to***co products, at electronic ci******es sa mga itinakdang lugar sa Bayan ng Pilar.
Layunin ng ordinansang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan, lalo na ang kabataan, at mapanatili ang isang ligtas at malinis na kapaligiran para sa lahat.
Ang nasabing ordinansa ay isinulong ni Konsehala Dra. Kristel Mae P. Rivera, bilang Chairperson ng Committee on Health and Social Welfare, na patuloy na nangunguna sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mga Pilarian.
Para sa kumpletong detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng Pamahalaang Bayan ng Pilar.
Sama-sama nating suportahan ang mga hakbang tungo sa isang mas malusog na komunidad.