06/12/2025
Ang buong pamunuan, kaguruan at mga mag-aaral ng JS Herrera ay ipinaaabot ang aming malalim na pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa aming mga minamahal na mag-aaral.
Isang mabuting anak, kaibigan, at kamag-aral—iiwan niya ang mga alaala ng kabutihan, ngiti, at inspirasyong patuloy naming dadalhin.
Kaisa kami ng kanyang pamilya sa pagdadalamhati at panalangin.
Nawa’y ipagkaloob ng Panginoon ang kaginhawaan, lakas, at kapayapaan sa lahat ng naulila🙏🙏🙏
Aalalahanin ka namin, IVAN RACHELLE M. PEREZ.🙏
Ang iyong presensya ay mananatiling buhay sa aming paaralan.