15/09/2026
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ | ๐๐๐ญ๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐, ๐๐๐๐ โ Nagtipon-tipon ang iba't ibang ahensya ng gobyerno sa "๐๐๐ง๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐๐๐๐: ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ญ" upang maghatid ng iba't ibang programa, serbisyo, at tulong sa mga taga-Camarines Sur, na ginanap sa Fuerte Camsur Sports Complex, Pili, Camarines Sur.
Kabilang sa mga kalahok na ahensya ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP), na nagbigay ng tulong pang-agrikultura sa mga kwalipikadong benepisyaryo bilang suporta sa produksyon ng pananim at sustainable agriculture.
Namahagi ang HVCDP Bicol ng 1,000 piraso ng grafted pili seedlings at 20 sako ng organic fertilizer sa Sibaguan Agrarian Reform Farmers and Fisherfolks Association, Upper Sta. Cruz Farmers Association, LGU Pasacao, at LGU San Jose.
Samantala, 60 sets ng garden tools at 30 kilo ng lowland vegetable seeds naman ang ipinamahagi sa Provincial Government of Camarines Sur (PLGU Camarines Sur) bilang suporta sa vegetable production at community gardening initiatives.
Layunin ng tulong na ito na mapataas ang produktibidad, mapalaganap ang sustainable farming practices, mapalakas ang kabuhayan, at makatulong sa food security ng probinsya.
Ang pakikilahok ng DA-HVCDP RFO 5 kasama ang iba't ibang ahensya ng gobyerno ay patunay ng determinasyon ng pamahalaan na maghatid ng mga programa at serbisyo sa iba't ibang sektor at komunidad sa pamamagitan ng collaborative at whole-of-government approach.
(Ulat at mga Kuhang Larawan ni Lianne Talento at Alliah Laygo ng High Value Crops Development Program)