Department of Agriculture-Bicol

Department of Agriculture-Bicol DA RFO 5 Official page
(4)

04/09/2026

Katatagan ng mga Magsasaka pinatibay gamit ang Komunikasyon sa Harap ng Nagbabagong Klima

MALILIPOT, ALBAY — Ang Layunin ng Green Climate Fund’s Adapting Philippine Agriculture to Climate Change Project (GCF‑APA) na matulungan ang mga magsasaka na makagawa ng tamang desisyon laban sa epekto ng pagbabago ng klima. Sa pagpapalawak ng access sa Climate Information Services (CIS) at ng Climate Resilient Agriculture (CRA), pinapalakas ng proyekto ang kakayahan ng mga magsasaka na maging mas matatag sa harap ng mga hamon ng klima.

Dumalo sa aktibidad ang Food and Agriculture Organization Technical Assistance Team; APA NPMO; Field Operations Service; Climate Resilient Agriculture Office; Agriculture and Fisheries Information Division (AFID); at DOST‑PAGASA. Kasama rin ang APA‑RPMOs mula sa Cordillera Administrative Region, Region 2, 5, 10, at 12 ang kanilang PLGU, OPAG, RAFIS Chiefs, at Agricultural Training Institute.

Ang limang araw na Training‑Workshop on Communications for Agrometeorological Advisories and Localizations ay nagbigay daan sa mga kalahok na talakayin ang iba’t ibang estratehiya sa komunikasyon upang gawing mas simple at madaling maunawaan ang mga CIS products para sa mga magsasaka mula sa iba’t ibang pinagmulan at wika. Nagtapos ang aktibidad sa pagbuo ng isang communication strategy na nakaayon sa pambansang prayoridad upang matiyak ang katatagan ng nga agricultural na komunidad at sa Pilipinas.

03/09/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: Ibinahagi ni Rodrigo Y. Responde, General Manager ng San Lorenzo Ruiz Farmers Agriculture Cooperative mula sa Brgy. Mampurog, San Lorenzo, Camarines Norte, kung paano nagbukas ng mas malawak na oportunidad sa merkado para sa kanilang mga magsasaka ang isinagawang Market Linkage Caravan ng DA Bicol Agribusiness and Marketing Assistance Division.

Aniya dahil dito, nakabuo ang kanilang kooperatiba ng ugnayan sa Dizon Farms para sa pag-market ng kanilang Queen Formosa Pineapple— dahilan upang maibenta ang mga ito sa mas magandang halaga, na siyang naipamamahagi sa mga malalaking pamilihan sa Metro Manila. Patuloy ang kanilang weekly delivery ng 5,000 pinya sa Dizon Farms.

03/09/2026

FAKE NEWS!

Hindi totoo ang kumakalat na pahayag tungkol umano sa pagbibigay ng bigas sa naluging hog raisers dahil sa mababang presyo ng baboy. HINDI ITO NAGMULA SA AKIN.

Hinihikayat ang lahat na huwag agad maniwala o magbahagi ng mga post na walang malinaw at beripikadong pinagmulan. Suriin muna ang impormasyon sa opisyal na mga channel.

Barangay Del Rosario, Baao, kauna-unahang barangay sa Camarines Sur na naglunsad ng Benteng Bigas ng PanguloBAAO, Camari...
01/09/2026

Barangay Del Rosario, Baao, kauna-unahang barangay sa Camarines Sur na naglunsad ng Benteng Bigas ng Pangulo

BAAO, Camarines Sur – Patuloy na inilalapit sa mga mamamayan ang abot-kayang bigas sa pamamagitan ng programang Benteng Bigas ng Pangulo, matapos ilunsad ngayong Setyembre 1, 2026 sa Barangay Del Rosario, Bayan ng Baao, Camarines Sur, na kinilala bilang kauna-unahang barangay sa lalawigan ng Camarines Sur na naglunsad ng nasabing programa.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Agriculture (DA), Food Terminal Inc. (FTI), at Lokal na Pamahalaan ng Baao, kabuuang 400 bags ng bigas ang inilaan para sa programa at ipinamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa limang kalapit na barangay ng Barangay Del Rosario.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga mamamayan ng mas abot-kayang bigas at makatulong sa pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilyang Pilipino, partikular ang mga sektor na nangangailangan ng dagdag na suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa ginanap na launching, naghatid ng mensahe at nagpahayag ng suporta sa pagpapatupad ng programa sa kanilang bayan si Hon. Mayor Jeffrey S. Besinio, Municipal Mayor ng Baao. Nagbigay rin ng mensahe si Punong Barangay John-Mar B. Briones ng Barangay Del Rosario, na nagpasalamat sa mga ahensya at katuwang na naging bahagi ng matagumpay na paglulunsad ng programa sa kanilang barangay.

Samantala, ibinahagi ni FTI Vice President for Operations Atty. Mark Christopher A. Babor ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan upang maisulong ang mga programang direktang nakatutulong sa mga mamamayan.

Kinatawan naman ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Department of Agriculture Regional Field Office V si Mr. Benjamin Peñaserada, na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng koordinasyon at pagtutulungan ng mga katuwang na institusyon sa matagumpay na pagpapatupad ng Benteng Bigas ng Pangulo.

Ang paglulunsad sa Barangay Del Rosario bilang kauna-unahang barangay sa Camarines Sur na nagpatupad ng programa ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na ilapit ang mga programang nagbibigay ng abot-kayang pagkain sa mga komunidad, kabilang ang mga mamamayan mula sa mga kalapit na barangay na nabigyan ng pagkakataong makabili ng abot-kayang bigas.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng DA, FTI, Lokal na Pamahalaan ng Baao, at mga barangay, patuloy na naihahatid ang mga programa at serbisyong naglalayong makatulong sa kapakanan at seguridad sa pagkain ng mga mamamayan.

DA Bicol, TOP 1 sa implementasyon ng HALAL Food Industry Dev’t Program Tumanggap ng sertipiko ng pagkilala ang Halal Foo...
31/08/2026

DA Bicol, TOP 1 sa implementasyon ng HALAL Food Industry Dev’t Program

Tumanggap ng sertipiko ng pagkilala ang Halal Food Industry Development Program (HFIDP) ng Department of Agriculture - Bicol bilang pagkilala sa kanilang “outstanding performance and remarkable accomplishments, having achieved the distinction of being TOP 1 Region (nationwide) with an exceptional 95% accomplishment rating in the successful implementation of the HFIDP.”

Ang pagkilala ay iginawad ni Engr. Zamzamin L. Ampatuan, Undersecretary for Mindanao Concerns and BARMM Director, sa ginawang HFIDP 2026 midyear assessment and 2027 strategic planning workshop na ginanap sa Surigao Del Sur noong Agosto 24-28, 2026.

Ang HFIDP ay nagsimula noong 2017, sa mga pagpapakilala ng importansya, mga konsepto prinsipyo at oportunidad sa ilalim ng HALAL. Sa pamamagitan ng HFIDP ay nabigyan ng kambing ang mga benepisyaryo sa ilalim ng HFIDP Goat Dispersal Project.

Kasama din ang mga pagsasanay sa pag-aalaga ng kambing sa Cam. Sur, Albay at Cam. Norte. Nitong 2025 ay nabigyan ng P1M halaga ng goat house, forage chopper at 29 heads breeder stocks ang Albay Muslim Community Consumers Cooperative (AMCCC sa Oas, Albay. Ngayong taon ay ipinatupad naman ang HALAL Chicken production kung saan namahagi ng 1,125 heads ng free range chicken sa mga benepisyaryo mula sa Sorsogon Muslim Community Association, Inc.

Sa Araw ng mga Bayani, saludo tayo sa ating mga magsasaka at mangingisda, ang ating mga  Food Heroes.Kinikilala ng Depar...
30/08/2026

Sa Araw ng mga Bayani, saludo tayo sa ating mga magsasaka at mangingisda, ang ating mga Food Heroes.

Kinikilala ng Department of Agriculture ang kanilang sipag, tiyaga, at sakripisyo upang matiyak ang sapat na pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino.

Maraming salamat sa inyong mahalagang ambag sa sektor ng agrikultura!

Sa Araw ng mga Bayani, saludo tayo sa ating mga magsasaka at mangingisda, ang ating mga Food Heroes.

Kinikilala ng Department of Agriculture - Philippines ang kanilang sipag, tiyaga, at sakripisyo upang matiyak ang sapat na pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino.

Maraming salamat sa inyong mahalagang ambag sa sektor ng agrikultura!

29/08/2026
𝐀𝐝𝐚𝐩𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐡𝐢𝐥. 𝐀𝐠𝐫𝐢 𝐭𝐨 𝐂𝐥𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐂𝐥𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐅𝐮𝐧𝐝 (GCF-𝐀𝐏𝐀) 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤...
29/08/2026

𝐀𝐝𝐚𝐩𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐡𝐢𝐥. 𝐀𝐠𝐫𝐢 𝐭𝐨 𝐂𝐥𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐂𝐥𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐅𝐮𝐧𝐝 (GCF-𝐀𝐏𝐀) 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐥𝐢𝐦𝐚

MALILIPOT, ALBAY — Upang makagawa ng mas malinaw at mas epektibong plano para sa mga magsasaka sa ilalim ng bagong proyektong pinondohan ng Green Climate Fund (GCF) – ang Adapting Philippine Agriculture to Climate Change (APA) Project, nagtipon-tipon ang mga tagapagpatupad ng nasabing proyekto.

Sa pangunguna ng GCF-APA National Project Management Office (NPMO) kasama ang Food and Agriculture Organization (FAO) – Technical Assistance Team, at ng RPMO V, isinagawa ang apat na araw na “Training‑Workshop on Communications for Agrometeorological Advisories and Localizations” nitong Agosto 24 - 28, 2026. Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula Field Operations Service; Climate Resilient Agriculture Office; Agriculture and Fisheries Information Division (AFID); at DOST – PAGASA. Kasama rin ang mga kinatawan mula sa APA - RPMOs ng Cordillera Administrative Region, Region 2, 5, 10, 12 at ng kanilang PLGU, OPAG, RAFIS Chiefs, at Agricultural Training Institute.

BASAHIN ANG DETALYE SA COMMENTS

𝐊𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐢𝐛𝐚𝐥 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐁𝐮𝐚𝐧𝐠, 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐜𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐚TABACO CITY, ALBAY – “Naotob ta ang sarong pangar...
29/08/2026

𝐊𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐢𝐛𝐚𝐥 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐁𝐮𝐚𝐧𝐠, 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐜𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐚

TABACO CITY, ALBAY – “Naotob ta ang sarong pangarap para sa mga IP.” Ito ang mensahe ni Albay Congresswoman Krisel Lagman, sa groundbreaking ceremony ng itatayong Tribal Hall sa Brgy. Buang, Tabaco City.

Sa humigit-kumulang 500-square-meter na bahagi ng lote na ipinagkaloob ng Department of Agriculture – Bicol, itatayo ang Tribal Hall na magsisilbing lugar ng pagpupulong, pagtitipon, mga aktibidad at iba pang gawain ng tribong Agta Tabangon, sa pangunguna ni Chieftain Priscilla Bronia.

Isinasakatuparan ang proyekto sa pakikipagtulungan ng DA Bicol, Local Government Unit of Tabaco City, at Office of 1st District of Albay Congresswoman Krisel Lagman, bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na mabigyan ng mas maayos at inklusibong pasilidad ang Indigenous Peoples community.

Sa pamumuno nina Dr. Salvadora R. Gavino, Superintendent ng Albay Research and Development Center (ARDC), at Ronaldo B. Coprada, Superintendent ng DA-Albay Experiment Station (AES), patuloy na ipinapakita ng DA-ARDC ang suporta nito sa mga inisyatiba para sa kapakanan at pagpapaunlad ng mga IP community.

Inaasahang matatapos ang konstruksyon sa loob ng 120 araw. Nakatakda ring magkaroon ang Tribal Hall ng opisina para sa Chieftain at activity area para sa mahigit 90 miyembro ng tribo upang matiyak na ang pasilidad ay bukas at naa-access ng iba’t ibang sektor.

Sa ilalim ng 15-taong renewable usufruct agreement, ang Tribal Hall ay inaasahang magiging isang modelo ng pasilidad para sa mga IP—isang lugar na hindi lamang pagdarausan ng mga pagpupulong, kundi magsisilbing sentro ng pagkakaisa, kultura, pagtutulungan at sama-samang pagkilos ng komunidad.

(Ulat ni JOMARIE B. LOZADA/ Kuhang larawan ni AIRON BONGO – ARDC)

29/08/2026

Address

San Agustin
Pili
4418

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63548712040

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Agriculture-Bicol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Agriculture-Bicol:

Shortcuts

Share