30/08/2026
🕯️ Happy Birthday, Papa.
Kahapon, August 29, ipinagdiwang natin ang kaarawan ng aking ama — ang yumaong Hon. Luis Robredo Villafuerte Sr., “LRV” sa marami — the longest-serving Governor of Camarines Sur, three-term Congressman, and a statesman whose vision shaped not just our province, but our nation.
Para sa mga kabataang Camarinense na hindi na siya naabutan, gusto kong ikwento kung sino siya. Kasi ang totoo, araw-araw ninyong nararamdaman ang gawa niya — hindi n’yo lang alam.
🌳 APAT NA HENERASYON NG PAGLILINGKOD
Ang kanyang ama, si Gov. Mariano Villafuerte, ay Gobernador din ng CamSur at miyembro ng National Assembly noong panahon ng Commonwealth. Naulila si Papa sa murang edad noong giyera — pero mula sa pagkawalang iyon, pinili niyang magsilbi. Mariano. Luis Sr. Kami. At ngayon, sina Migz at Luigi. Four generations, one promise: CamSur first.
📚 AMA NG PRE-SCHOOL EDUCATION SA PILIPINAS
Through his pioneering Headstart Pre-School Program, dinala niya ang early childhood education sa mga public elementary school ng CamSur. Later, as Congressman, he became the principal author of Republic Act 10157 — the Kindergarten Education Act of 2012 — making kindergarten mandatory for EVERY Filipino child. Kung nag-kinder ka sa public school, bahagi ka ng legacy niya.
🏛️ LONGEST-SERVING GOVERNOR OF CAMSUR
Five times elected, 15 years of service. Siya ang nagsimula ng Kaogma Festival — ang selebrasyong ngayon ay tanda ng pagkakaisa at saya ng buong lalawigan — at dinala ito sa Pili. Sinuportahan niya ang organic farming at ang mga magsasakang Camarinense nang hindi pa ito uso.
🎶 TAGAPAGTANGGOL NG KULTURANG BIKOLNON
Founder of the Bicol Heritage Foundation, at siya ang nagbukas ng kauna-unahang Bicol Music Festival noong 1982 — para hindi mawala ang ating awit, wika, at pagka-Bikolano.
🇵🇭 STATESMAN NA PINAGKATIWALAAN NG DALAWANG PANGULO
Assemblyman ng Batasang Pambansa (1978–1986). Minister of Trade sa ilalim ni Pangulong Marcos Sr. Secretary of Government Reorganization sa ilalim ni Pangulong Cory Aquino. Two administrations, one constant: his service.
🏅 KINILALA BAGO PA MAN PUMASOK SA POLITIKA
Bago pa siya naging opisyal, kinilala na siya ng bansa bilang isa sa mga pinakamahusay sa private sector — recipient of the President Ramon Magsaysay Gold Medal Award, the President Carlos P. Garcia Gold Medallion, the President Diosdado Macapagal Presidential Citation, and the Ten Outstanding Young Men (TOYM) award. Isang UP Law graduate na naging investment banker at business leader bago ialay ang buhay sa bayan.
🤝 PRIME MOVER NG LOCAL AUTONOMY
Noong unang tumakbo si Papa bilang Gobernador noong 1986, ito ang sinabi niya mismo: walang Internal Revenue Allotment ang mga LGU, walang local autonomy, walang Local Government Code. Lahat ng desisyon at pondo, nasa Maynila.
Kaya noong 1988, itinatag niya ang League of Provinces of the Philippines at naging Founding President nito — para sa unang pagkakataon, may iisang tinig ang lahat ng gobernador ng bansa. At ang tinig na iyon ang tumulak, kasama ni Sen. Nene Pimentel, para maipasa ang Local Government Code of 1991 — ang batas na nagbigay ng kapangyarihan, pondo, at kalayaan sa bawat probinsya, lungsod, bayan, at barangay na magdesisyon para sa sarili nila.
Bawat IRA na natatanggap ng LGU mo ngayon, bawat serbisyong nadadala ng gobyerno malapit sa iyo — may kamay si Papa diyan. Muli siyang naging National Chairman ng League mula 1998 hanggang 2004.
At si Luigi, bilang Gobernador, ay naging Vice President din ng League. Tatlong henerasyon, iisang laban: mas malakas na lokal na pamahalaan para sa mga tao.
✍️ 67 LAWS AS CONGRESSMAN
Nine years in Congress (2004–2013), authoring measures that still stand today.
👨👦 MAG-AMA, IISANG LANDAS
Hindi ko ito sinasabi para magyabang. Sinasabi ko ito para ipakita kung gaano kalalim ang marka ng isang ama sa buhay ng anak.
Pareho kaming Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardees — siya noong kabataan niya, ako pagkalipas ng ilang dekada. Pareho kaming naging multi-awarded businessmen bago pumasok sa politika — kasi tinuro niya sa akin na kailangan mo munang matutong bumuo bago ka magsilbi. Siya ang Founding President ng League of Provinces; ako ay naging National Chairman nito. At pareho kaming naging Chairman ng Bicol Regional Development Council — ang kauna-unahang mag-ama sa kasaysayan na nakaupo sa posisyong iyon.
Hindi iyan coincidence. Iyan ay isang amang nagtanim, at isang anak na sumunod sa mga yapak.
Pero higit sa lahat ng titulo, siya ang aking ama.
Ang aking mentor. Ang aking idolo. Ang inspirasyon ko.
Naniwala siya sa akin noong wala pang naniniwala. Nakita niya ang potensyal ko bago ko pa ito nakita sa sarili ko. Hindi ako makakarating kung nasaan ako ngayon kung wala siya. Hanggang ngayon, ang kanyang mga salita, payo, at karunungan ay patuloy naming isinasabuhay — hindi lang sa salita, kundi sa aksyon.
Kasama ang aking mga anak at kanyang mga apo — Cong. Migz at Cong. Luigi — nangangako kami sa inyo: itutuloy namin ang kanyang legacy at bisyon para sa CamSur at para sa bayan.
Papa, ang bawat batang nagsisimula sa kinder, ang bawat magsasakang umaasenso, ang bawat Camarinenseng naabot mo — ikaw ang nagsimula. Kami ang magtutuloy.
Happy birthday, Papa. Salamat sa lahat. Mahal na mahal ka namin.
— LRay
Serbisyong Ka Fuerte✌️
always 🙏