10/07/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ ๐๐
๐ ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ ๐๐-๐ค๐๐ฅ๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐
San Agustin, Pili, Camarines Sur โ Bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng libre at de-kalidad na serbisyo sa mga Bicolano at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kawani, isinasagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office 5 (DA RFO 5) ang TESDA NC II Training of Trainers para sa Agricultural Crops Production NC II at Organic Agriculture NC II mula noong Hunyo 18, 2026 na magtatapos sa Hulyo 24, 2026.
Sa naturang pagsasanay, hinahasa ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa mga competency ng Agricultural Crops Production NC II at Organic Agriculture NC II, kabilang ang nursery operations, crop production at maintenance, harvest and postharvest operations, gayundin ang paggawa ng mga organic input at produksyon ng organic crops at livestock. Ang mga ito ay magsisilbing mahalagang pundasyon sa paghahanda ng mga magiging trainer sa sektor ng agrikultura.
Sa kasalukuyan, tatlumpung (30) kalahok ang sumasailalim sa TESDA NC II Training of Trainers. Kabilang dito ang mga kawani ng Research Division at Research Outreach Stations sa ilalim ng Organic Agriculture Program na inaasahang magsisilbing mga trainer sa kani-kanilang mga lalawigan.
Ang pagsasanay ay bahagi ng paghahanda ng DA RFO 5, sa pangunguna ng Organic Agriculture Program, upang maging TESDA-accredited learning site ang departamento. Kaugnay ito ng pagpapatupad ng DA-DOLE-TESDA TUPAD Project, isang inisyatibo ng Research Division na naglalayong makapagbigay ng libreng TESDA NC II training sa mga TUPAD beneficiaries at iba pang mga magsasaka sa rehiyon. Sa pamamagitan nito, inaasahang mapapalawak ang access sa technical-vocational education, at mapatataas ang antas ng kasanayan ng mga benepisyaryo.
(Ulat ni Cyril A. Baldoza, Research Division. Mga kuhang larawan ni John Ivan Rhay S. Geraldo, Organic Agriculture Program)