21/08/2026
๐๐๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ก๐ข๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ
PILI, CAMARINES SUR โ Matagumpay na isinagawa ng Himaao Elementary School (HES) ang Seremonya ng Paghirang at Panunumpa ng mga Opisyal ng School Club, mga G**o, SPTA, at HPTA kahapon, Agosto 20, 2026, sa Pabilyon ng HES.
Dinaluhan ang seremonya ng mga g**o, magulang, mga opisyal ng ibaโt ibang organisasyon, at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan bilang pagpapakita ng suporta at pakikiisa sa mga programa ng paaralan.
Pinangunahan ni Maโam Gladys Francia S. Oco, Ed.D., Punong-G**o, ang pambungad na bahagi ng programa. Nagbigay rin ng mga mensahe ang mga panauhing pandangal, kabilang sina Hon. Rene O. Gonzaga, Punong Barangay ng Himaao, Hon. Tomas P. Bongalonta Jr., Bise Alkalde ng Pili,at iba pang mga kinatawan ng komunidad.
Isa sa mga tampok ng programa ang Seremonya ng Panunumpa, na pinangunahan ni Hon. Narcel SJ. Lopez, Pambayang Konsehal, na siyang nanguna sa pagpapa-sumpa sa mga bagong halal at itinalagang opisyal ng mga samahan.
Kabilang sa mga nanumpa ang mga opisyal ng mga School Club, Samahan ng mga G**o, HPTA, BOD, at SPTA, na pormal na nangakong gagampanan ang kanilang mga tungkulin at pananagutan bilang mga lider ng kani-kanilang organisasyon.
Binigyang-diin sa seremonya ang kahalagahan ng pananagutan, integridad, pagkakaisa, at mabuting pamumuno sa pagtupad ng mga tungkulin at sa pagsuporta sa mga programa at layunin ng paaralan.
Nagtapos ang programa sa sayawan, kainan, at kasiyahan, na nagsilbing pagkakataon para sa mga g**o, magulang, at iba pang katuwang ng paaralan na higit pang mapatatag ang kanilang samahan.
Sa pamamagitan ng seremonyang ito, pormal na tinanggap ng mga bagong opisyal ang kanilang mga tungkulin at pinagtibay ang kanilang pangakong maglingkod at makiisa para sa patuloy na pag-unlad ng Himaao Elementary School.
Isinulat ng: The Voice Editorial Staff