30/04/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐ป๐๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐น๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฐ๐ผ๐น, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฃ๐-๐ก๐ฆ๐ค๐๐ฆ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป ๐ฉ ๐ฑ
Upang makumpirma ang pagsunod sa tamang pamantayan para sa plant material certification, ang Bureau of Plant Industry โ National Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS) Region V ay maigting na inenspek ang mga planting material nurseries, mother Pili trees, at grafted Pili seedlings sa ibaโt ibang bahagi ng Bicol sa mga buwan ng Pebrero, Marso, at Abril, 2026.
Sa pangunguna nina Marites R. Reyes, chief ng BPI-NSQCS Region V at Jose N. Tormes, Agriculturist II, unang binigyang-pansin ang mga plant material nurseries na nagsisilbing pangunahing lugar kung saan pinalalaki at inaalagaan ang mga seedlings. Sinuri ang mga ito batay sa kanilang pamamahala, kalinisan, at pagsunod sa wastong pamantayan na itinatag ng ahensya. Sa ganitong paraan, nasisiguro na ang mga seedlings na inilalabas mula sa mga nurseries ay may mataas na tsansa ng pagtubo at pagiging produktibo.
Sumunod na sinuri ang mga certified mother Pili trees na nagsisilbing pinagkukunan ng scion para sa grafting. Ang mga punong ito ay kritikal sa pagpapanatili ng kalidad ng susunod na henerasyon ng mga seedlings. Kaya naman, masusing tiningnan ang kanilang kalusugan at kanais-nais na katangian upang matiyak na ang mga material na kinukuha mula sa kanila ay angkop para sa grafting. Ang pagpili ng de-kalidad na mother trees ay mahalaga upang mapanatili ang magandang genetic traits ng Pili, tulad ng mataas na produksyon at resistensya sa sakit.
Sa huli, ang mga grafted Pili seedlings naman ang sumailalim sa pauna at pinal na inspeksyon bilang huling yugto ng pagsusuri. Naging pokus ang pagtukoy at pagtanggal ng mga punlang may depekto, kabilang ang mga hindi na produktibo ang scion o tuluyan nang namatay. Tinitiyak sa prosesong ito na tanging ang mga malulusog at maayos ang pagkaka-graft na seedlings ang maiiwan.
Ang mga seedlings na nakapasa sa pinal na inspeksyon ay itinuring naang kwalipikado para sa paglalagat ng tag bilang certified grafted Pili seedlings โ isang patunay ng kanilang kalidad at kahandaan para sa pagtatanin at distribusyon.