31/08/2026
RAFFLE DRAW MECHANICS
Para sa lahat ng kabataan ng Barangay Malaya, narito ang ating mga patakaran para sa raffle draw:
1. Ang bawat pangalan na kasama sa raffle ay isang entry. Ang mga kabataang lumahok sa mga aktibidad ng Linggo ng Kabataan ng SK Malaya ay maaaring magkaroon ng dalawa o tatlong entries, depende sa kanilang naging participation.
2. Ang isang participant ay maaari lamang manalo ng dalawang (2) beses.
3. Kapag ang parehong pangalan ay nabunot na sa ikatlong (3rd) pagkakataon, ang naturang bunot ay INVALID at muling bubunot ng panibagong pangalan.
4. Ang raffle ay PARA LAMANG sa mga kabataang residente ng Barangay Malaya na may edad 15 hanggang 30 taong gulang.
5. Kung ang mabubunot na pangalan ay hindi pasok sa itinakdang edad na 15โ30 years old, ang pagkapanalo ay awtomatikong mapapawalang-bisa at magkakaroon ng panibagong bunutan.
6. Kinakailangang ma-verify ang pangalan at eligibility ng winner bago tuluyang maibigay ang premyo.
7. Ang lahat ng desisyon ng SK Malaya ukol sa validity ng entries at winners ay magiging batay sa mga itinakdang mechanics ng raffle.
Paalala: Ang pagkakaroon ng dalawa o tatlong pangalan/entries ay dahil sa aktibong pakikilahok sa mga programa at aktibidad ng Linggo ng Kabataan 2026. Layunin nito na mabigyan ng karagdagang pagkakataon ang mga kabataang naging aktibo sa ating mga gawain.
Good luck, Kabataan ng Malaya! ๐๐
Maraming salamat sa inyong pakikilahok at patuloy na suporta sa mga programa ng SK Malaya!