24/08/2026
ππππππ ππππππππ
πππππππππ ππππ ππ
πππππ ππππππ πππ π
πππ πππππ ππ ππππππ ππ πππ π
ππππππππ πππππ πππππ
Following the heavy rainfall from Tropical Storm Maymay and the ongoing Southwest Monsoon (Habagat), the Laguna Lake Development Authority (LLDA) is warning the public and aquaculture operators of an increased risk of algal blooms and fish kills in Laguna de Bay.
As of August 20, 2026, the lake level of Laguna de Bay stands at 12.43 meters, having recently peaked near a critical 12.49 meters. Although the water level has slightly receded, environmental conditions in the lake remain unstable and subject to rapid change.
Present cloudy weather and high water levels are generally less favorable for immediate algal proliferation, as it typically require sunny, warm, and stagnant conditions to flourish. Nevertheless, the LLDA cautions that the overall risk of an algal bloom remains high. Heavy rainfall and strong winds over the preceding weeks have loaded the basin with nutrient-rich runoff and stirred up bottom sediments, creating conditions where a severe bloom can develop rapidly once weather conditions shift.
The public and aquaculture operators are advised to remain vigilant, as specific atmospheric and hydrological factors can trigger or worsen an algal bloom. Sunny and warm weather following heavy rain accelerates photosynthesis, while calm, stagnant water with minimal wind action allows algae to concentrate near the surface and form dense mats. Continued nutrient runoff comprising fertilizers, organic waste, and domestic pollutants, serves as a primary driver for biological growth. Furthermore, rising water temperatures accelerate algal metabolism, and sudden water column mixing caused by intermittent wind or rain continuously redistributes nutrient-rich bottom sediments into the upper water column.
This sequence of environmental events creates a direct mechanism leading to potential fish mortality. The initial nutrient loading fuels rapid algal growth, but as these massive blooms eventually die off, their biological decomposition consumes large quantities of dissolved oxygen in the water column. This depletion leaves aquatic life unable to breathe properly, leading to severe physiological stress and potentially widespread fish kills.
To mitigate health risks, the general public is strongly advised to refrain from purchasing or consuming fish found floating in the lake, as they may carry harmful bacteria resulting from biological decomposition. Additionally, individuals should avoid swimming, wading, or prolonged skin contact with areas exhibiting visible algal blooms or surface scum, as certain algal species produce toxins capable of causing skin irritation and respiratory issues.
Aquaculture operators are urged to closely observe fish behavior, particularly during the early morning hours when oxygen levels naturally reach their lowest point. In the absence of testing instruments, operators should watch for key physical indicators of oxygen depletion, such as fish swimming near the surface or actively gasping for air. At the first sign of these stress behaviors, operators should immediately deploy mechanical aerators or paddle wheels to enhance water circulation and oxygenation. If severe distress persists and the stock has already reached a marketable size, an early harvest should be considered to prevent mass mortality and minimize financial losses.
Any observations of massive algal blooms, mass fish mortality, unusual water discoloration such as bright green or brown scum, or foul odors should be reported immediately to the LLDA Environmental Laboratory and Research Division through telephone number 8376-4061 local 141, mobile number 0919-910-8906, or via email at [email protected].
-----------------------------------------------------------------------------------------------
πππππππ ππ πππππππ
πππππππ ππ πππππ ππ πππππ πππππ ππ π
πππ ππππ ππ ππππππ ππ πππ ππππππππππ ππ πππ πππππππ ππ πππ-ππππ
Dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng Bagyong Maymay at ng patuloy na Southwest Monsoon (Habagat), binabalaan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang publiko at ang mga aquaculture operators tungkol sa patuloy na panganib ng algal bloom at fish kill sa Laguna de Bay.
Nasa 12.43 metro ang antas ng tubig ng Laguna de Bay bilang Agosto 20, 2026, matapos itong umabot sa halos kritikal na antas na 12.49 metro kamakailan. Bagama't bahagyang bumaba ang tubig, patuloy pa ring hindi payapa at maaaring biglang magbago ang kalagayan ng kapaligiran sa lawa.
Ang kasalukuyang maulap na panahon at mataas na antas ng tubig ay karaniwang hindi gaanong paborable sa agarang pagdami ng liya o algae, dahil kadalasang nangangailangan ito ng maaraw, mainit, at tahimik na kalagayan upang dumami. Gayunpaman, pinapaalalahanan ng LLDA na nananatiling mataas ang kabuuang panganib ng algal bloom. Ang malakas na ulan at hangin sa nagdaang mga linggo ay nagdala na ng maraming sustansya (nutrient-rich runoff) papunta sa lawa at nagpaigting sa paghalukay ng putik sa ilalim nito, kaya't posibleng biglang magkaroon ng panibagong algal bloom sa sandaling magbago ang panahon.
Pinapayuhan ang publiko at ang mga aquaculture operator na manatiling mapagbantay, dahil may mga kondisyon na maaaring mag-udyok o magpalala ng algal bloom. Ang maaraw at mainit na panahon pagkatapos ng malakas na ulan ay nagpapabilis sa photosynthesis, samantalang ang kalmado at halos hindi gumagalaw na tubig na may kaunting hangin ay nagbibigay-daan sa algae upang magtipon-tipon at bumuo ng makakapal na liya malapit sa ibabaw ng tubig. Ang patuloy na pag-agos ng mga pataba, basurang organiko, at polusyong pangkabahayan ang pangunahing nagtutulak sa paglago nito. Bukod dito, ang pagtaas ng temperatura ng tubig ay nagpapabilis sa metabolismo ng liya, at ang biglaang paghalukay ng tubig-lawa dahil sa pana-panahong hangin o ulan ay patuloy na nagdadala ng sustansyang mula sa ilalim papunta sa ibabaw na bahagi ng tubig.
Ang sunod-sunod na kaganapang ito sa kapaligiran ang direktang sanhi ng posibleng pagkamatay ng mga isda. Ang paunang pagdaloy ng sustansya ang nagpapabilis ng paglago ng algae, ngunit kapag namatay naman at nabulok ang mga liya na ito, kumokonsumo ang prosesong ito ng dissolved oxygen sa tubig. Dahil dito, hindi na makahinga nang maayos ang mga isda, na nagdudulot ng matinding physiological stress at posibleng malawakang fish kill.
Upang maiwasan ang panganib sa kalusugan, mahigpit na pinapayuhan ang publiko na huwag bumili o kumain ng mga isdang nakikitang lumulutang sa lawa, dahil maaaring may taglay itong mapanganib na bakterya mula sa pagkabulok. Iwasan din ang paglangoy, pagtatampisaw, o matagalang pagdikit ng balat sa mga bahaging may nakikitang algal bloom o scum sa ibabaw ng tubig, dahil ang ilang uri ng algae ay naglalabas ng lason na nagdudulot ng pangangati sa balat at problema sa paghinga.
Hinihimok ang mga aquaculture operator na maingat na obserbahan ang kilos ng mga isda, lalo na sa umaga kung kailan pinakamababa ang antas ng oxygen. Kung walang kagamitan sa pagsukat nito, dapat bantayan ng mga operator ang mga senyales ng pagbaba ng oxygen, tulad ng paglangoy ng isda malapit sa ibabaw o aktibong pagsinghap para makahinga. Sa unang senyales pa lamang ng ganitong pagkabalisa ng isda, dapat agad na maglagay ng mekanikal na aerator o paddle wheel upang mapabuti ang sirkulasyon at oxygenation ng tubig. Kung magpapatuloy ang matinding pagkabalisa ng mga isda at nasa tamang laki na ang mga ito para ibenta, iminumungkahi ang maagang pag-ani upang maiwasan ang malawakang pagkamatay at mabawasan ang pagkalugi.
Anumang obserbasyon ng malawakang algal bloom, pagkamatay ng isda, hindi karaniwang kulay ng tubig (tulad ng matingkad na berde o kulay-tsokolateng scum), o mabahong amoy ay dapat na agad na iulat sa LLDA Environmental Laboratory and Research Division sa pamamagitan ng telepono bilang 8376-4061 local 141, mobile bilang 0919-910-8906, o sa email na [email protected].