Coast Guard Pililla

Coast Guard  Pililla Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Coast Guard Pililla, Public & Government Service, Barangay Halayhayin, Pililla Rizal, Pililla.

TINGNAN: Philippine Coast Guard at Philippine Coast Guard Auxiliary, Nakiisa sa Brigada Eskwela 2026Nakiisa ang CGSS Pil...
03/06/2026

TINGNAN: Philippine Coast Guard at Philippine Coast Guard Auxiliary, Nakiisa sa Brigada Eskwela 2026

Nakiisa ang CGSS Pililla at 109th PCGA Squadron sa Brigada Eskwela 2026 sa Halayhayin Elementary School. Bilang suporta sa paghahanda ng paaralan para sa pagbubukas ng klase, nagbigay ang 109th PCGA Squadron ng mga kagamitang panlinis at pintura para sa pagpapaayos ng pasilidad.

Kasabay nito, nagsagawa rin ang grupo ng pagpipintura sa mga hagdan, pader, at bakod ng paaralan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at diwa ng bayanihan, naging matagumpay ang aktibidad sa pagpapaganda ng paaralan at pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral at g**o.




Tingnan: Nakilahok ang Coast Guard Sub-Station Pililla sa Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Ceremony na ginanap sa Quisao El...
01/06/2026

Tingnan: Nakilahok ang Coast Guard Sub-Station Pililla sa Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Ceremony na ginanap sa Quisao Elementary School. Binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, mga stakeholder, mga magulang, mga boluntaryo, at mga miyembro ng komunidad sa paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Bilang suporta sa programa, nagbigay ng kinakailangang tulong at pakikiisa ang mga tauhan upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Kasabay nito, opisyal na ring nagsimula ang pakikilahok ng Coast Guard Sub-Station Pililla sa Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 5, 2026 bilang bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon at pagsusulong ng diwa ng bayanihan.




Tingnan: Noong Mayo 30 2026, Matagumpay na nagsagawa ang CGSS Pililla, katuwang ang mga Opisyal ng Barangay Quisao, ng i...
01/06/2026

Tingnan: Noong Mayo 30 2026, Matagumpay na nagsagawa ang CGSS Pililla, katuwang ang mga Opisyal ng Barangay Quisao, ng isang Clean-Up Drive sa baybayin ng Brgy. Quisao, Pililla, Rizal bilang bahagi ng pagpapaigting ng kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng komunidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, dedikasyon, at sama-samang pagsisikap ng lahat ng kalahok, nakalikom ng kabuuang 47 sako ng sari-saring basura mula sa itinakdang lugar, na nag-ambag sa mas malinis at mas ligtas na kapaligiran para sa mga residente at mga bumibisita sa lugar.




Look: Approximately 36,000 Philippine Coast Guard (PCG) officers and personnel, under the leadership of PCG Commandant, ...
26/05/2026

Look: Approximately 36,000 Philippine Coast Guard (PCG) officers and personnel, under the leadership of PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan PCG, simultaneously took their oath and signed the undertaking on the non-use of dangerous drugs under the PCG’s “Zero Drug” Policy at the National Headquarters, Port Area, Manila, and across 17 Coast Guard Districts nationwide on May 25, 2026.

https://www.facebook.com/share/p/1B4uKsicnY/

🇵🇭

Tingnan: Matagumpay na naisagawa ng CGSS Pililla, katuwang ang PNP Pililla, Command Center at MDRRMO Pililla, ang Tablet...
22/05/2026

Tingnan: Matagumpay na naisagawa ng CGSS Pililla, katuwang ang PNP Pililla, Command Center at MDRRMO Pililla, ang Tabletop Exercise (TTX) sa tanggapan ng MDRRMO sa Brgy. Bagumbayan, Pililla, Rizal. Layunin ng aktibidad na higit pang mapatatag ang koordinasyon, komunikasyon, at kahandaan ng bawat ahensya sa pagtugon sa mga maritime emergency at iba pang sakuna. Naging mahalagang bahagi rin ito sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga tauhan ukol sa wastong proseso ng operasyon at emergency response procedures.

Matapos ang TTX, matagumpay ding isinagawa ang Search and Rescue Exercise (SAREX) kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kahandaan, disiplina, at mahusay na pagtutulungan sa pagsasagawa ng rescue operations. Ipinakita ng aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaisa at koordinasyon ng bawat ahensya upang masig**o ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan sa panahon ng sakuna at emerhensya.




TINGNAN: Matagumpay na nakapagbigay ng assistance ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Pililla at Philippine Coast Guard A...
16/05/2026

TINGNAN: Matagumpay na nakapagbigay ng assistance ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Pililla at Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) 109th Squadron sa isinagawang “Operation Tuli” noong ika-14 ng Mayo 2026 sa Brgy. Bagumbayan, Pililla, Rizal, sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU) Pililla. Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng ligtas, maayos at libreng serbisyong medikal para sa mga kabataan.

Kabuuang 160 kabataan ang matagumpay na sumailalim sa tuli sa tulong ng mga doktor, nars, at mga katuwang na organisasyon. Nagsagawa rin ng vital signs monitoring, profiling, at information dissemination bago ang operasyon. Namahagi rin ng mga libreng gamot tulad ng Mefenamic Acid at Amoxicillin, kasama ang mga leaflet ukol sa wastong pag-aalaga matapos ang tuli upang masig**o ang kaligtasan at kapakanan ng bawat kalahok.

Ang aktibidad ay alinsunod sa iCARE Program ng Philippine Coast Guard na naglalayong palakasin ang malasakit, kalusugan, disiplina, at pakikipagkaisa sa komunidad.




Tingnan: Kahapon, Abril 29, 2026, sa pangunguna ng LGU Pililla, matagumpay na naisagawa ang Medical at Dental Mission sa...
30/04/2026

Tingnan: Kahapon, Abril 29, 2026, sa pangunguna ng LGU Pililla, matagumpay na naisagawa ang Medical at Dental Mission sa Brgy. Malaya Covered Court, Pililla, Rizal, katuwang ang Coast Guard Sub-Station Pililla at ang Philippine Coast Guard Auxiliary (102nd at 109th PCGA Squadrons).

Umabot sa 134 na benepisyaryo ang nabigyan ng serbisyong medikal, habang 140 naman ang nakatanggap ng serbisyong dental. Sa tulong ng mga dedikadong health professionals, volunteers, at partner agencies, naihatid ang mga serbisyong may malasakit—nagbibigay-ginhawa, nagtataguyod ng kalusugan, at nagdudulot ng mga ngiti sa komunidad.




Look: The Coast Guard Sub-Station Pililla actively participated in the Simultaneous Clean-Up Drive in celebration of Ear...
22/04/2026

Look: The Coast Guard Sub-Station Pililla actively participated in the Simultaneous Clean-Up Drive in celebration of Earth Day 2026, held earlier today, April 22, 2026, in the Municipality of Pililla, Rizal.

The activity was conducted in collaboration with the Local Government Unit, PNP, BFP, and other partner agencies, demonstrating a unified commitment to environmental protection and proper waste management. Through this collective effort, participants promoted community awareness and reinforced the importance of maintaining cleanliness and preserving our natural surroundings.

A total of 47 kilograms of waste were collected during the Clean-Up Drive, consisting of 11 bags of plastic garbage.
Every bag collected brings us one step closer to a cleaner, healthier community. Together, we make a difference toward a cleaner and greener future.





TINGNAN: Patuloy na isinasagawa ng Coast Guard Sub-Station Pililla ang deployment kaugnay ng Semana Santa at Summer Vaca...
04/04/2026

TINGNAN: Patuloy na isinasagawa ng Coast Guard Sub-Station Pililla ang deployment kaugnay ng Semana Santa at Summer Vacation 2026 upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga biyahero at nagre-rekreasyon, partikular sa mga lakeshore barangay at katubigan na nasasakupan.

Mula March 29, 2026 hanggang sa kasalukuyan, tinatayang nasa 595 na indibidwal ang na-monitor sa Sala River,Brgy. Malaya, Pililla, Rizal, kung saan mas inaasahan pa ang pagdagsa ng mga bisita at nagre-rekreasyon ngayong Sabado at Linggo sa nasabing lugar.

Batay sa obserbasyon sa Sala River, karamihan sa mga naroroon ay kabataan, Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa MDRRMO Pililla at sa LGU ng Brgy. Malaya upang matiyak ang maayos na koordinasyon at agarang pagtugon sakaling magkaroon ng emerhensiya.

Pinaaalalahanan ng Philippine Coast Guard ang publiko na sumunod sa mga alituntunin sa kaligtasan upang maiwasan ang anumang insidente habang naliligo at nagbabakasyon.




LOOK | CGSS Pililla deployed Coast Guard personnel within the AOR in support of Oplan Byaheng Ayos and Summer Vacation 2...
29/03/2026

LOOK | CGSS Pililla deployed Coast Guard personnel within the AOR in support of Oplan Byaheng Ayos and Summer Vacation 2026.

A Help Desk was established at the bus terminal in Brgy. Bagumbayan, Pililla, Rizal, providing travel safety reminders and passenger assistance to ensure safe and convenient travel.

In coordination with the MDRRMO and Brgy. Malaya, Coast Guard personnel were also deployed at Sala River in Brgy. Malaya, Pililla, Rizal, delivering public assistance and strengthening the Coast Guard’s presence in key waterway areas. During operations, it was observed that the majority of individuals swimming in the area were children, posing potential risks to their safety; thus, Coast Guard personnel immediately issued safety advisories and remained on heightened alert for continuous monitoring and emergency response.

Roving patrols were likewise conducted across the AOR, including Pritil wharfs and lakeshore barangays, to ensure strict monitoring, safety, and security.




Address

Barangay Halayhayin, Pililla Rizal
Pililla
1910

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Coast Guard Pililla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share