10/05/2022
Isang mapagpalang araw! Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta, nagtiwala, at sumama sa akin sa laban na ito hanggang sa huli.
Salamat sa aking pamilya - sa aking asawa at mga anak na ibinahagi nang buong buo ang kanilang oras, kakayahan, at talento upang isaayos at bigyang buhay ang isang marangal at prinsipyadong kampanya; sa aking tatay, si Atty. Den Sadicon na naging haligi at gabay naming lahat; sa aking mga kapatid, mga bayaw at hipag na nanatili sa aking tabi at nakasama ko sa pagpasan ng hirap at mga pagsubok ng kampanyang ito at nagbigay sa akin ng suportang moral at pinansyal; gayundn sa aking mga mga tiyuhin, tiyahin, mga pinsan, mga pamangkin, mga kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at tropa, mga kinakapatid, at sa inyong lahat na walang pag aalinlangan na nagbigay ng kaparehas na suporta at pagmamahal. Muli, maraming maraming salamat!
Gusto kong ring banggitin nang partikular ang aking mga kababata, kapitbahay at nga kasapi ng Sto. Niño Subd. Homeowners Association, ang aking campaign team na kasama ko araw-araw sa mga nagdaang linggo, ang Poblacion Bayan, Papandayan, Calingag, at iba pang mga barangay na masigabong tumangkilik sa akin. Hindi man natin nakamit ang ating mithiin, masasabi ko na ang naabot nating rango na #10 ay bunga ng purong sipag, tyaga, at pagmamahal ninyo. At dahil diyan, taas-noo ko itong ipinagmamalaki.
Congratulations sa mga bagong halal na opisyales ng Pinamalayan. Umaasa ako na magampanan ninyo ang inyong tungkulin nang may husay at katapatan para sa ikauunlad ng bayan.
Maraming maraming salamat! Harapin natin ang bukas nang buong tapang at pag-asa. Nawa tayo'y patuloy na maging mabubuting mamamayan at laging handang itaguyod ang kinabukasan ng ating mahal na bayan ng Pinamalayan!
Hanggang sa muli! Ingat! 💛
- Phoebus Sadicon