09/08/2026
A BLESSED AND HISTORIC VISIT
Isang tunay na karangalan para sa Oriental Mindoro at sa Filipiniana Hotel na maging host sa pagbisita ni His Excellency ARCHBISHOP CHARLES JOHN BROWN, Apostolic Nuncio to the Philippines, ang opisyal na kinatawan at sugo ng SANTO PAPA sa ating bansa, at Ambassador ng Holy See o Vatican. ♥️
Dito sa Calapan City, isang malaking pagpapala para sa amin ang kanyang pagbisita sa isang napakahalagang pagkakataon para sa Simbahang Katolika at sa buong Oriental Mindoro.
Sa kanyang pagdating, mainit siyang sinalubong ng aking mga kapatid na sina Arnold at Tizl, bilang pagsalubong sa isang napakahalagang panauhin ng Simbahang Katolika.
We are truly grateful that Filipiniana Hotel became his home during this historic occasion—the Er****on of the Diocese of Calapan and the Installation of its first Bishop, Most Reverend MOISES M. CUEVAS, D.D. ♥️
Hindi lamang ito isang mahalagang araw para sa Simbahan, kundi isang makasaysayang sandali para sa buong Oriental Mindoro.
We are deeply honored by His Excellency’s presence and even more thankful for his heartfelt message in our guestbook, where he wrote:
“Thank you for your wonderful hospitality. May God bless you.”
Ang simpleng mensaheng ito ay isang mahalagang alaala na habang-buhay naming iingatan. ♥️
Sa aming bagong Obispo, Most Reverend MOISES M. CUEVAS, D.D., congratulations po! Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Panginoon sa inyong misyon na pamunuan ang Diocese of Calapan nang may pananampalataya, pagmamahal, at paglilingkod. 🙏🏼
From our entire VALENCIA and FILIPINIANA family, thank you for allowing us to be part of this historic and blessed celebration. ♥️
Congratulations to the Diocese of Calapan. ♥️
May God continue to bless our Church, our province of Oriental Mindoro, and our beloved Philippines 🙏🏼🙏🏼🙏🏼.