12/08/2026
DALAWANG BESES. DALAWANG PAGKAKATAON. ISANG MALAKING KARANGALAN 🇵🇭🏆💙
Maraming-maraming salamat po! 🥹
Being recognized as a National Finalist for TWO TIMES in the Philippine Sangguniang Kabataan Awards is something I will always be grateful for. Hindi lang ito simpleng recognition—patunay ito na kahit mula sa isang barangay, kayang umabot sa national stage ang mga programang ginagawa nang may puso, malasakit, at tunay na layunin para sa kabataan.
Sa lahat ng naging bahagi ng aming journey—sa aking SK Councils ng Guinhawa, Papandayan at Lumambayan, Barangay Council, partner agencies and organizations, volunteers, supporters, at higit sa lahat, sa Kabataan ng Barangay Calingag—MARAMING SALAMAT! ❤️
Hindi magiging posible ang pagkilalang ito kung wala ang inyong tiwala, suporta, pakikiisa, at paniniwala sa bawat proyektong ating sinimulan.
Ang pagiging National Finalist nang dalawang beses ay hindi lamang achievement ng isang SK Chairperson o ng isang konseho. Achievement ito ng buong komunidad. Achievement ito ng bawat kabataang naniwala na may magagawa tayo.
From one project, to another.
From one national recognition, to another.
At sa bawat pagkakataon, dala natin ang pangalan ng Barangay Calingag sa national stage. 🇵🇭
Salamat, Lord, sa blessings at pagkakataong makapaglingkod. 🙏
At sa lahat ng patuloy na naniniwala sa amin—this recognition inspires us to dream bigger, serve better, and do more.
Hindi dito nagtatapos ang laban. Mas pagbubutihin pa natin. Mas marami pa tayong kabataang tutulungan. Mas marami pa tayong pangarap na gagawing realidad.
Two-Time National Finalist. 🏆🏆
Dahil sa huli, hindi naman tungkol sa award ang tunay na tagumpay—kundi sa buhay ng mga kabataang nababago at nabibigyan natin ng pagkakataon at pag-asa.
Dahil naniniwala ako na Trabaho ng SK ang Magbigay ng Pag-Asa. 💙✨
Maraming salamat, Barangay Calingag! Para sa Kabataan. Para sa Bayan. 🇵🇭