People's MAYOR

Directions Website

People's MAYOR ๐™๐™๐™š ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™๐™–๐™˜๐™š๐™—๐™ค๐™ค๐™  ๐™‹๐™–๐™œ๐™š ๐™ค๐™›
HON. RODOLFO "RODEL" M. MAGSINO

10/10/2026
Isang taos-pusong pagbati at pinakamainit na congratulations sa bagong kasal na sina Mr. and Mrs. John Ric and Meldred C...
10/10/2026

Isang taos-pusong pagbati at pinakamainit na congratulations sa bagong kasal na sina Mr. and Mrs. John Ric and Meldred Conde! โค๏ธ

Isang malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng inyong espesyal na araw bilang isa sa inyong mga ninong. Dalangin ko na maging matatag ang inyong pagsasama sa gitna ng anumang pagsubok, at manatiling sentro ng inyong relasyon ang pagmamahalan, pag-unawa, respeto, at higit sa lahat, pananampalataya sa Diyos.

Nawaโ€™y maging inspirasyon kayo sa isaโ€™t isa sa pag-abot ng inyong mga pangarap at sa pagbuo ng isang masaya at mapagmahal na pamilya. Tandaan ninyo na ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang nasusukat sa masasayang sandali, kundi sa araw-araw na pagpiling magmahal, umunawa, magpatawad, at manatiling magkasama.

Bilang inyong ninong, hangad ko ang inyong walang hanggang kaligayahan at masaganang buhay-pamilya.

Congratulations and best wishes, John Ric and Meldred! Nawaโ€™y pagpalain ng Poong Maykapal ang inyong pagsasama ngayon at magpakailanman.

Mabuhay ang bagong kasal! โค๏ธ๐Ÿ’

Isinagawa ang isang Courtesy Call ni LTC JEOFFREY G. BRAGANZA INF (GSC), PA, Battalion Commander ng 2nd Civil-Military O...
09/10/2026

Isinagawa ang isang Courtesy Call ni LTC JEOFFREY G. BRAGANZA INF (GSC), PA, Battalion Commander ng 2nd Civil-Military Operations Battalion, Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army, sa tanggapan ni Peopleโ€™s Mayor Rodel Magsino ng Pamahalaang Bayan ng Pinamalayan.

Naging bahagi ang pagbisita ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Pinamalayan at ng Philippine Army, partikular sa pagsusulong ng maayos na koordinasyon at pagtutulungan sa mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong pakikipag-ugnayan, higit na napagtitibay ang mahalagang papel ng pamahalaang lokal at ng sektor ng militar sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan para sa lahat ng Pinamaleรฑo.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Pinamalayan sa pangunguna ni Peopleโ€™s Mayor Rodel Magsino ang bukas na pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan at iba pang katuwang na institusyon upang maisakatuparan ang mga adhikaing nakatuon sa kapakanan at seguridad ng mamamayan.

Patuloy ang ating suporta sa mga programang nagtataguyod ng mas maayos na pagpaplano at makabagong pamamahala para sa at...
09/10/2026

Patuloy ang ating suporta sa mga programang nagtataguyod ng mas maayos na pagpaplano at makabagong pamamahala para sa ating bayan! ๐Ÿ’š๐ŸŒ

Binisita ng inyong lingkod, Peopleโ€™s Mayor Rodel Magsino, ang isinasagawang Quantum Geographic Information System (QGIS) Program ngayong Oktubre 5โ€“9, 2026, sa EOC Building, Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas mapalalakas ang paggamit ng makabagong teknolohiya at geographic information sa pagbuo ng mga plano, pagtukoy sa mga posibleng panganib, at pagsuporta sa mga programang pangkaunlaran ng ating bayan.

Patuloy tayong kikilos tungo sa isang mas handa, makabago, at maunlad na Pinamalayanโ€”dahil bawat hakbang para sa kaunlaran ay hakbang para sa kapakanan ng bawat Pinamaleรฑo! ๐Ÿค

#๐š๐™พ๐““๐“ฎ๐“ต๐“ฒ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป๐“ผ

Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng ligtas at handang komunidad, personal na binisita ng inyong lingkod, Pe...
09/10/2026

Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng ligtas at handang komunidad, personal na binisita ng inyong lingkod, Peopleโ€™s Mayor Rodel Magsino, ang isinasagawang Climate and Disaster Risk Assessment upang masubaybayan ang mga hakbang na makatutulong sa pagtukoy ng mga posibleng panganib dulot ng climate change at mga kalamidad.

Sa pamamagitan nito, mas mapagtitibay natin ang ating mga plano at programa para sa kahandaan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat Pinamaleรฑo.

Dahil para sa atin, ang maagap na paghahanda ay susi sa mas ligtas, matatag, at handang Pinamalayan! ๐ŸŒฟ๐ŸŒ

#๐š๐™พ๐““๐“ฎ๐“ต๐“ฒ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป๐“ผ

Happy Birthday, Anie! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’™๐Ÿ’› Wishing you more blessings, happiness, and wins in life! Keep shining and slaying, always! โœจ๐ŸŽ‚ ...
09/10/2026

Happy Birthday, Anie! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’™๐Ÿ’› Wishing you more blessings, happiness, and wins in life! Keep shining and slaying, always! โœจ๐ŸŽ‚

#๐š๐™พ๐““๐“ฎ๐“ต๐“ฒ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป๐“ผ

Bawat pagbisita, may dalang malasakit at serbisyong tunay na ramdam! ๐Ÿ’™Dumalaw ang inyong Peopleโ€™s Mayor Rodel Magsino sa...
09/10/2026

Bawat pagbisita, may dalang malasakit at serbisyong tunay na ramdam! ๐Ÿ’™

Dumalaw ang inyong Peopleโ€™s Mayor Rodel Magsino sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang personal na magbigay ng suporta at makiisa sa ginanap na 3rd Quarter Joint Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Anti-Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC) meeting ngayong araw, October 9, 2026.

Patuloy po nating pinagtitibay ang ating mga programa at hakbang para sa proteksyon ng mga bata, kababaihan, at bawat pamilyang Pinamaleรฑo. Dahil para sa ating pamahalaan, ang kaligtasan, dignidad, at kapakanan ng bawat mamamayan ay laging prayoridad. ๐Ÿค๐Ÿ’™

#๐š๐™พ๐““๐“ฎ๐“ต๐“ฒ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป๐“ผ

09/10/2026

HAPPENING NOW: Mga mura at mga kakaibang produkto mula sa ibaโ€™t-ibang mga kooperatiba sa ilalim ng programang ABA BIRA ANG PINAMALAYAN SA 1st CSO TRADE FAIR

#๐š๐™พ๐““๐“ฎ๐“ต๐“ฒ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป๐“ผ

Address

MUNICIPALITY OF PINAMALAYAN
Pinamalayan
5208

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when People's MAYOR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share