30/08/2025
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, ipinaaabot ng Bacuyong Elementary School ang taus-pusong pasasalamat sa mga g**o, mag-aaral, at higit sa lahat sa mga magulang na naging katuwang sa lahat ng gawain. Nawa’y patuloy nating pagyamanin ang wikang Filipino bilang simbolo ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Sama-sama nating itaguyod ang wika at kulturang Pilipino para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Maligayang Buwan ng Wika! 🇵🇭🎉