01/07/2026
Atty pero murag abnormalon purya gaba!
Para sa Palasyo, “nakakaawa” raw na maituturing sina Senador Imee Marcos at mga taong pumalakpak sa kanya nung siya’y nagtalumpati sa rally ng Iglesia ni Cristo sa EDSA.
“Nakakaawa ang mga obstructionist na katulad ng isang senadora. Nagre-rely, gumagamit ng fake news para makapanira lamang at para maikalat ang mga ganitong klaseng maling impormasyon,” saad ni Palace press officer Claire Castro nitong Miyerkules, July 1, 2026.
“Pero mas nakakaawa ang mga taong pumalakpak habang nakikinig kay Senator Imee Marcos dahil malamang hindi nila alam na ang mga sinasabi ni Senator Imee Marcos ay mga kwentong walang basehan,” dagdag niya.
PANOORIN: https://www.youtube.com/watch?v=qBw0nHuMiuM