26/03/2026
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃: 𝐇𝐈𝐍𝐆𝐆𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐘𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐖𝐀𝐋𝐈𝐏𝐈𝐊𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐈𝐎𝐃 𝟏 (𝐄𝐍𝐄𝐑𝐎-𝐏𝐄𝐁𝐑𝐄𝐑𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔)
Ang payout ng cash grants para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa PERIOD 1 (Enero–Pebrero 2026) ay naka-schedule sa ika-27 ng Marso 2026, sa pamamagitan ng ATM withdrawals sa mga piling LANDBANK Servicing Branches at sa kanilang mga e-wallets.
Narito ang payroll schedule sa bawat rehiyon:
✅ 1-CVS Regular (GCash/MAYA) — Caraga, I, III, IV-A, MIMAROPA, NCR, V, VIII, X, XI, at XII
✅ F1KD (Initial) Cash Grant – BARMM, CAR, Caraga, I, II, III, IV-A, IX, MIMAROPA, NCR, NIR, V, VI, VII, VIII, X, XI, at XII
✅ Active Households in Special or Difficult Circumstances – V
Para sa mga benepisyaryong gumagamit ng cash card, mangyaring patuloy na umantabay sa abiso mula sa DSWD–4Ps o sa inyong City/Municipal Links hinggil sa iskedyul ng payout.
Para naman sa mga nag-migrate sa e-wallet, maaari na rin ninyong i-cash out o gamitin sa inyong mga online transaction ang inyong cash grants sa nasabing petsa. Maging at basahin ang mga paalala sa link na ito: https://pantawid.dswd.gov.ph/flipbooks/ -df_6153/1/
Upang masigurong tama at opisyal ang impormasyong natatanggap, palaging sumubaybay sa mga sumusunod na official page:
Pantawid Pamilyang Pilipino Program:
https://www.facebook.com/DSWDPantawidPamilya
Landbank of the Philippines: https://www.facebook.com/landbankofficial
Department of Social Welfare and Development: https://www.facebook.com/dswdserves
Maraming salamat po!