21/04/2026
Online Registration ng Senior Citizen
Kung ikaw ay 60 taong gulang pataas, kailangan mong magparehistro sa National Commission on Senior Citizen (NCSC) sa kanilang website. Narito ang step-by-step na gabay:
Hakbang 1: Buksan ang website ng NCSC sa link na ito: www.ncsc. gov. ph
Hakbang 2: Pindutin ang button na “Register Now”. I-click ang Read more para makita ang detalyadong gabay kung paano magparehistro.
Hakbang 3: Lagyan ng check ang box at pindutin ang Proceed.
Hakbang 4: Punan ang Online Senior Citizen Data Form nang tama. I-attach ang iyong OSCA-ID o anumang valid na government ID, pati na rin ang iyong kasalukuyang litrato. Siguraduhing ang laki ng larawan ay hindi lalampas sa 50MB.
Hakbang 5: Gumawa ng Pass Key Number (PKN). Ito ay isang 4-digit na numero na ikaw mismo ang pipili. Siguraduhing itala ito dahil kakailanganin mo ito para ma-access at ma-verify ang iyong record sa hinaharap.
Hakbang 6: Ilagay ang iyong lagda gamit ang laptop o mobile phone. Kung hindi ka kuntento sa lagda, pwede mo itong i-clear at lagyan muli sa pamamagitan ng pagpindot sa “Click here to clear and sign again”.
Hakbang 7: Lagyan ng check ang mga kahon at isulat ang pangalan ng taong tumulong sa iyong pagrerehistro pati ang kanyang contact number.
Hakbang 8: Review ang lahat ng impormasyong inilagay mo. Kapag naisumite na, mahirap na itong baguhin.
Hakbang 9: Pindutin ang Submit Button. Makakatanggap ka ng mensahe na matagumpay kang nakapagrehistro kasama ang iyong Registration Reference Number (RRN). Siguraduhing itala ang iyong RRN dahil kakailanganin ito upang i-check at i-verify ang status ng iyong rehistro.
Hakbang 10: Kung napansin mo na may mali sa iyong form, maari kang mag-email sa [email protected].
Matapos ma-verify at ma-validate ang iyong registration, ito ay ma-uupgrade sa membership. Kapag ikaw ay naging miyembro, bibigyan ka ng online account kung saan maaari mong tingnan ang lahat ng impormasyon at aktibidad tungkol sa iyong membership.