01/06/2026
โจ MAY 2026 RECAP โจ
Naging makabuluhan at puno ng tagumpay ang buwan ng Mayo para sa SK Tabang sa pamamagitan ng iba't ibang programang inilaan para sa mga kabataan ng ating barangay.
๐ Muling binuksan ang E-Library para sa mga kabataang Tabang. Matapos ang ilang buwang pagsasaayos ng SK Office, muli itong naging bukas bilang lugar ng pag-aaral, pananaliksik, at libreng paggamit ng computer at printer.
๐๐ Pormal ding inilunsad ang KAPA: Kariton ng Pag-asa at Pagbasa, kung saan nagkaisa ang mga SK at mga volunteer na kabataan upang dalhin ang pagkatuto sa iba't ibang sitio ng Barangay Tabang. Sa pamamagitan ng programang ito, natutulungan ang mga bata sa pagbasa, pagsulat, at pagkukulay, na naglalayong mapaunlad ang kanilang mga kasanayan at pagmamahal sa pag-aaral.
๐ At bilang pagtatapos ng isang masaya at makulay na tag-init, matagumpay ding nagtapos ang SK Summer Basketball League 2026. Taos-pusong nagpapasalamat ang SK Tabang sa lahat ng manlalaro, coaches, committee members, volunteers, sponsors, at mga sumuporta sa programa. Ang inyong oras, dedikasyon, at pakikiisa ang naging susi sa tagumpay ng liga.
Binabati namin ang mga koponang itinanghal na kampeon:
๐ MIDGET DIVISION โ SNL
๐ JUNIOR DIVISION โ Jewelry Empire
๐ SENIOR DIVISION โ Del Pilar
Sa bawat programang naisakatuparan, ipinakita ng kabataang Tabang ang tunay na diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at pakikilahok sa komunidad.
Mula sa SK Tabang 2026, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang mas aktibo, mas edukado, at mas maunlad na pamayanang kabataan. Para sa Bayan at Para sa Kabataan.