Araling Panlipunan Club-SMNHS

Araling Panlipunan Club-SMNHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Araling Panlipunan Club-SMNHS, Public School, Bunducan, Bagbaguin, Poblacion.

NGAYON BUWAN NG AGOSTO AY IPINAGDIRIWANG NATIN ANG BUWAN NG KASAYSAYAN Alam niyo ba na tuwing Agosto talaga natin ipinag...
05/08/2026

NGAYON BUWAN NG AGOSTO AY IPINAGDIRIWANG NATIN ANG BUWAN NG KASAYSAYAN

Alam niyo ba na tuwing Agosto talaga natin ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan? Nagsimula ito noong 2012 sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 339. Pinili ang buwang ito dahil dito naganap ang maraming mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan β€” tulad ng Sigaw ng Pugad Lawin at Araw ng mga Bayani.

Hindi lang ito basta pag-alala sa mga lumang kwento o petsa. Ang kasaysayan ay salamin ng ating nakaraan, gabay natin ngayon, at pundasyon ng ating kinabukasan. Kapag alam natin kung saan tayo nanggaling, mas naiintindihan natin kung paano tayo magpapatuloy. Kaya alamin natin ang ating kasaysayan, pahalagahan ang mga sakripisyo ng ating mga bayani, at isabuhay ang mga aral na iniwan nila.

Sapagkat kung hindi ka lilingon sa iyong pinanggalingan, paano mo malalaman kung saan ka patungo? Ang ating nakaraan ay susi sa paghubog ng kinabukasang maipagmamalaki nating lahat. πŸ‡΅πŸ‡­

ASEAN Month 2026, " Navigating our Future, Together".
04/08/2026

ASEAN Month 2026, " Navigating our Future, Together".

August is celebrated as ASEAN Month. It aims to understand the value of Unity, Cooperation, Mutual respect, and Regional...
04/08/2026

August is celebrated as ASEAN Month. It aims to understand the value of Unity, Cooperation, Mutual respect, and Regional Development among the countries of Southeast Asia.

Happy Birthday to our beloved AP teacher, Ma'am Rya! πŸ₯³πŸ’› From all of us in the AP Club, we just want to greet you the hap...
30/07/2026

Happy Birthday to our beloved AP teacher, Ma'am Rya! πŸ₯³πŸ’›

From all of us in the AP Club, we just want to greet you the happiest birthday! Sobrang nagpapasalamat po kami sa walang sawang dedikasyon at sipag niyo. We hope your day turns out as wonderful and inspiring as you are to all of us! πŸ‘πŸŽŠ

Sana po sa espesyal na araw na ito, maramdaman niyo rin yung parehong pagmamahal at kabutihan na lagi niyong ibinibigay. You truly deserve all the joy, blessings, and rest in the world! πŸ’›βœ¨

Once again, happy birthday po, Ma'am Rya! πŸŽ‰

Taos puso po ang aming pasasalamat sa Local Youth Development Office of Sta. Maria, Bulacan  at sa National Youth Commis...
26/07/2026

Taos puso po ang aming pasasalamat sa Local Youth Development Office of Sta. Maria, Bulacan at sa National Youth Commission sa pagkilala sa Araling Panlipunan Club , Mabuhay po kayo! 🎊🌹

MALIGAYANG IKA-162 NA ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI APOLINARIO MABINI πŸ‡΅πŸ‡­ Isang mataas na pagpupugay sa dakilang Utak ng...
23/07/2026

MALIGAYANG IKA-162 NA ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI APOLINARIO MABINI πŸ‡΅πŸ‡­

Isang mataas na pagpupugay sa dakilang Utak ng Himagsikan. Ipinamalas niya na hindi hadlang ang anumang pagsubok o kahinaan upang maglingkod nang tapat at marangal sa bayan.

Ang kanyang aral ay nananatiling nagniningning na gabay: β€œAng pag-ibig sa bayan ay nasa gawa, hindi sa salita.” Nawa’y isabuhay natin ito sa bawat kilos at gawa.

Pagpupugay sa kanyang talino, paninindigan, at wagas na pagmamahal sa Inang Bayan. βœŠπŸ™

Happy Birthday, Wade! πŸŽ‰Sa aming masipag at mabait na Grade 9 Representative β€” maligayang kaarawan! πŸ₯³ Maraming salamat sa...
12/07/2026

Happy Birthday, Wade! πŸŽ‰

Sa aming masipag at mabait na Grade 9 Representative β€” maligayang kaarawan! πŸ₯³

Maraming salamat sa iyong dedikasyon at pagtulong sa amin. Nawa’y ibigay sa iyo ng Diyos ang lahat ng iyong hiling, at patuloy kang magtagumpay sa pag-aaral at paglilingkod. Higit pa sa iyong mga nakamit, mas lalo mo pa pang maabot ang iyong mga pangarap!

Enjoy your special day! πŸŽ‚βœ¨

πŸŽ‰ Pagbati sa ating bayani na si Dr.Jose  Rizal sa kaniyang ika-165 kaarawan. Nawa'y patuloy Kang magsilbing  inspirasyon...
19/06/2026

πŸŽ‰ Pagbati sa ating bayani na si Dr.Jose Rizal sa kaniyang ika-165 kaarawan. Nawa'y patuloy Kang magsilbing inspirasyon sa mga Pilipino at mga kabataan tungo sa magandang Kinabukasan. πŸ‡΅πŸ‡­

"Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" - mula sa pahayag ni Dr. Jose Rizal.

Panibagong yugto, panibagong pag-asa Nandito na ang mga bagong pinuno at pag-asa! Handang maglingkod nang tapat, manguna...
19/06/2026

Panibagong yugto, panibagong pag-asa

Nandito na ang mga bagong pinuno at pag-asa!

Handang maglingkod nang tapat, manguna nang may matibay na paninindigan, at isabuhay ang diwa ng tunay na kabataang Pilipino.

Bubukas na naman ang panibagong kabanata para sa ating samahan. Hindi lang ito tungkol sa mga titulo o posisyon β€” ito ay isang pangako na gagawin namin ang aming makakaya para sa ikabubuti ng lahat. Dala namin ang mga aral at pangarap ni Dr. Jose Rizal: ang pagmamahal sa bayan, paghahangad ng katotohanan, at pagtutulungan para sa mas magandang kinabukasan.

Bilang mga kabataan, naniniwala kaming may magagawa kami. Sa bawat hakbang, handa kaming makinig, umunawa, at magsilbing gabay sa bawat miyembro. Handa kaming harapin ang mga hamon, matuto mula sa karanasan, at patunayan na ang kabataan ay tunay na pag-asa ng bayan.

Kilalanin ang mga bagong opisyal ng KAPARIZ β€” Kabataang Pangarap ni Rizal πŸ‡΅πŸ‡­πŸ€


πŸ“š Araling Panlipunan Club
🏫 Sta. Maria National High School

Sabay-sabay tayong sumulong, matuto, at kumilos. Ang tagumpay ng samahang ito ay tagumpay nating lahat!


πŸ‡΅πŸ‡­ Ang araw ng Kalayaan ay ating  ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo bilang pag-alaala sa kasarinlan ng Pilipinas mul...
12/06/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ Ang araw ng Kalayaan ay ating ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo bilang pag-alaala sa kasarinlan ng Pilipinas mula Sa Espanya noong 1898 sa Kawit, Cavite.

Ngayong 2026, ay ating ginugunita ang ika-128th anibersaryo ng ating Kalayaan.

, Kinabukasan, Kasaysayan
Araling Panlipunan Club

Address

Bunducan, Bagbaguin
Poblacion
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Araling Panlipunan Club-SMNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category