25/05/2026
🏀 SK POBLACION INTERZONE BASKETBALL TOURNAMENT 2026 🏀
Pormal nang binuksan ngayong araw ang Interzone Basketball Tournament 2026 na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion sa pangunguna ni SK Chairman Dexter Jan Real. Layunin ng patimpalak na ito na mapalakas ang pagkakaisa, sportsmanship, at talento ng mga Batang Poblacion mula sa iba’t ibang sitio — Dampay, Sandoy, Pandayan, Sabaro, San Agustin, Palali, at Braganza Village.
Nagpaabot naman ng buong suporta ang lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Arth Bryan C. Celeste na kinatawan ng inyong lingkod at City Vice Mayor Anton Perez na kinatawan ni Sir Michael Ralph Cardenas, kasama sina City Councilor Verna S.D. Rabago, Punong Barangay German Rabago at mga kagawad, gayundin ang buong Sangguniang Kabataan Council.
Naging matagumpay at makulay ang opening day na puno ng saya, pagkakaisa, at sigla ng bawat manlalaro at tagasuporta. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang palaro na ito upang higit pang mapaunlad ang talento at samahan ng kabataang Población.