POLA Nutrition Program

POLA Nutrition Program Nutrition Program Activites

Alam n’yo ba kung bakit tinatawag na “golden window of opportunity” ang unang 1,000 araw ni baby?Ito ay ang panahon mula...
04/11/2025

Alam n’yo ba kung bakit tinatawag na “golden window of opportunity” ang unang 1,000 araw ni baby?

Ito ay ang panahon mula sa pagbubuntis hanggang sa ikalawang kaarawan ng isang bata kung saan nabubuo ang pundasyon ng kanyang kalusugan, pag-iisip, at kakayahang matuto habang buhay. Dito nagsisimula ang lahat ng maaaring maging siya sa hinaharap.

Iyan ang dahilan kung bakit maraming eksperto ang tumatawag dito na:
🌱 formative period
🌱 critical period for growth and development
🌱 golden window for health interventions

Sa bawat araw sa panahon na ito, may pagkakataon ang mga magulang na maibigay ang tamang nutrisyon, alaga, at pagmamahal na kailangan ni baby upang lumaki sila ng malusog at matatag. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang madalas na pagkakasakit ng bata at magiging tama ang kanilang paglaki.

Sa Pilipinas, ito rin ay itinuturing na pambansang prayoridad sa ilalim ng Republic Act No. 11148 o ang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.” Layunin ng batas na tiyaking may sapat na suporta at serbisyo mula sa pamahalaan para sa mga ina at batang nasa unang 1000 araw ng buhay.

Ang bawat araw ay may ambag sa kinabukasan. Kaya’t kalusugan at nutrisyon ni baby, simulan sa first 1,000 days!

Follow First 1000 Days PH para sa mga kaalamang makatutulong sa tamang pag-aalaga sa unang 1,000 araw ni baby.



Bago pa man siya ipanganak, nagsisimula na ang kwento ni baby.Sa bawat kain ni nanay, sa bawat prenatal check-up, sa baw...
04/11/2025

Bago pa man siya ipanganak, nagsisimula na ang kwento ni baby.

Sa bawat kain ni nanay, sa bawat prenatal check-up, sa bawat yakap at patak ng breastmilk, unti-unting nabubuo ang pundasyon ng isang malusog na buhay.

Ang unang 1,000 araw — mula sa sinapupunan hanggang sa ika-2 kaarawan — ay panahon ng mabilis na paghubog ng utak at katawan. Dito nabubuo ang higit sa 1 milyong koneksyon sa utak kada segundo. Kapag kulang sa nutrisyon sa panahong ito, maaaring makaapekto ito sa paglaki, pagkatuto, at kinabukasan ni baby.

Kapag sapat ang alaga, may wastong pagkain, exclusive breastfeeding, at regular na check-up, mas malaki ang tsansang lumaking matalino, malakas, at handang mangarap si baby.

Tandaan, ang bawat pinggan, bawat yakap, at bawat bakuna ay puhunan para sa mas magandang bukas.

Dahil sa unang 1000 araw, bawat araw ay mahalaga.

07/10/2025
PAGPAPANATILI NG SIGLA AT MALUSOGNA PANGANGATAWAN HABANG   TUMATANDA, POSIBLEBagama’t hindi maiiwasan ang unti-unting pa...
02/10/2025

PAGPAPANATILI NG SIGLA AT MALUSOG
NA PANGANGATAWAN HABANG TUMATANDA, POSIBLE

Bagama’t hindi maiiwasan ang unti-unting pagtanda ng isang tao kaalinsabay ng mga mapapansing pagbabago sa katawan, posible pa rin na mapanatili ang sigla at maayos nilang pangangatawan sa pamamagitan ng tamang nutrisyon at tamang diet.

Ilan sa mga mapapansing pagbabago habang nadagdagang ang edad patungo sa pagiging senior at ang mga dapat gawin ay ang mga sumusunod:
- PAGKAWALA NG GANA SA PAGKAIN
(Kapag nakakaranas ng ganito, mainam na pilitin pa ring kumain ng kahit tigkakaunting masusustansyang pagkain subalit sa mas maraming beses sa isang araw.)
- PAGDALAS NG PAGIGING MALILIMUTIN
- (Mainam na kumain ng iba’t ibang prutas at gulay gayundin ng mga pagkaing mayaman sa Omega-3 fatty acids tulad ng tuna, mackerel, sardinas, oyster, broccoli, cauliflower at red pepper.)
- MAHIRAP NA PAGDUMI
(Uminom ng tubig nang mas madalas. Isa rin itong paraan upang makaiwas sa urinary tract infections.)
- MAHIRAP NA PAGNGUYA NG PAGKAIN
(Kapag may kasamang senior sa bahay, mainam na sa paghahanda ng pagkain, gawing maliliit ang gayat ng pagkain at pumili rin ng mga pagkaing malalambot o madaling nguyain. Mainam din na i-steam ang matitigas na gulay. )
- MALIMIT MA-HIGH BLOOD
(Upang maiwasan ito, limitahan ang pagkaing maaaalat. Sa halip, maaaring gumamit ng mga natural na pantimpla tulad ng luya, calamansi, bawang, sibuyas o mga herbs.)

UPANG MALABANAN ANG MGA PAGBABAGONG ITO:
KUMAIN NG MASUSUSTANSYANG PAGKAIN
• (Sa mga kinakain araw-araw, mainam na isiguro ang presensya ng alinman sa mga prutas o gulay, puting laman ng karne, mga butil, mga pagkaing mayaman sa calcium, vitamin D at pagkaing may healthy fats.}
- HUWAG KALIMUTANG MAG-EHERSISYO
- (Pumili ng mga ehersisyong angkop sa edad)

Sa mga nabanggit, huwag ding kalimutan na ang tamang pagdisiplina sa sarili ay ang susi at malaki ang maitutulong upang mapanatiling masigla at malusog ang pangangatawan kahit pa sabihing umeedad na.
SA MGA LOLO AT LOLA, ANG PROVINCIAL NUTRITION COUNCIL AY BUONG PAGMAMAHAL NA BUMABATI NG
“HAPPY ELDERLY FILIPINO WEEK!”


Get familiar with these cooking terms for  .
16/08/2025

Get familiar with these cooking terms for .

𝓐𝓰𝓸𝓼𝓽𝓸 𝓷𝓪! 𝓘𝓽'𝓼 𝓝𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷𝓪𝓵 𝓑𝓻𝓮𝓪𝓼𝓽𝓯𝓮𝓮𝓭𝓲𝓷𝓰 𝓐𝔀𝓪𝓻𝓮𝓷𝓮𝓼𝓼 𝓜𝓸𝓷𝓽𝓱! 🌷🤱Ngayong taon, dala ng tema ang mahalagang paalala:"𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲 ...
04/08/2025

𝓐𝓰𝓸𝓼𝓽𝓸 𝓷𝓪! 𝓘𝓽'𝓼 𝓝𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷𝓪𝓵 𝓑𝓻𝓮𝓪𝓼𝓽𝓯𝓮𝓮𝓭𝓲𝓷𝓰 𝓐𝔀𝓪𝓻𝓮𝓷𝓮𝓼𝓼 𝓜𝓸𝓷𝓽𝓱! 🌷🤱

Ngayong taon, dala ng tema ang mahalagang paalala:
"𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲 𝗕𝗿𝗲𝗮𝘀𝘁𝗳𝗲𝗲𝗱𝗶𝗻𝗴: 𝗖𝗿𝗲𝗮𝘁𝗲 𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺𝘀."

🌸 🫶 Hindi lang si nanay ang may papel sa breastfeeding journey. Tayong lahat ay may bahagi. 🫂
💚 Suporta mula sa pamilya
💚 Tulong mula sa komunidad
💚 Malasakit sa workplace
💚 Gabay mula sa health care system

Sa tamang nutrisyon, sapat na pahinga, at emosyonal na suporta, nagiging mas masaya at matagumpay ang pagpapasuso ni nanay. 🩷

Sama-sama nating palakasin ang support system para kay nanay dahil sa bawat yakap ng gatas, sinisiguro ang kinabukasang may nutrisyong sapat para sa lahat.

Ikaw, paano ka makakatulong para masigurong may sapat na suporta si Mommy?
I-share mo sa comments ang simpleng paraan ng pagsuporta mo—mula sa pag-aalaga, pakikinig, o pag-intindi. Para sa mga mommy, kwento niyo naman kung paano niyo naramdaman ang suporta habang nagpapasuso. 🌸🫶

What we eat and drink has a big impact on our long-term health. Here are 5 tips for a healthier diet:1️⃣ Eat a variety o...
04/08/2025

What we eat and drink has a big impact on our long-term health. Here are 5 tips for a healthier diet:

1️⃣ Eat a variety of foods 🥗🥘
2️⃣ Cut back on salt 🧂
3️⃣ Avoid trans fats 🚫🍟
4️⃣ Limit sugar intake 🍬
5️⃣ Reduce alcohol consumption 🍻

Here are some tips on how to make kids enjoy and actually eat their packed lunches.
11/07/2025

Here are some tips on how to make kids enjoy and actually eat their packed lunches.

Sapat na pagkain at tamang nutrisyon—karapatan ng bawat Pilipino! 💚Narito ang mga simpleng hakbang tungo sa mas malusog ...
03/07/2025

Sapat na pagkain at tamang nutrisyon—karapatan ng bawat Pilipino! 💚

Narito ang mga simpleng hakbang tungo sa mas malusog na pamumuhay:
🍴 Kumain ng Go, Grow, at Glow foods
🏃‍♀️ Kumilos araw-araw — 30 minuto para sa matatanda, 1 oras para sa kabataan
🤱 Inay, magpasuso nang eksklusibo sa unang 6 na buwan
👶 Sa ika-6 na buwan ni baby, simulan ang complementary feeding ng masustansyang pagkain habang nagpapatuloy ang pagpapasuso
🌱 Magtanim ng gulay at prutas sa bakuran para may sariling mapagkukunan ng masustansyang pagkain

🎥 Panoorin ang maikling paalala mula sa Philippine Multisectoral Nutrition Project: https://youtu.be/rdkr5V473Wg




Sa dami ng pamilyang nagugutom, pagkaing walang sustansya, at mga Pilipinong kulang o sobra sa timbang, ang 2025 Nutriti...
30/06/2025

Sa dami ng pamilyang nagugutom, pagkaing walang sustansya, at mga Pilipinong kulang o sobra sa timbang, ang 2025 Nutrition Month na may temang, "Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!" ay nagpapaalala sa atin na ang ligtas, sapat, at masustansyang pagkain ay hindi pribilehiyo, bagkus, ito ay ating karapatan.

Ngayong Nutrition Month, sama-sama tayo tungo sa sapat at masustansyang pagkain para sa lahat! Tara na tungo sa isang food secure na Pinas!



Address

Pola
5206

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639177701309

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when POLA Nutrition Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share