Barangay Balangibang

Barangay Balangibang Page intended for any updates, progress and announcements for the people of Brgy. Balangibang

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT NG PUNONG BARANGAY – POLANGUI, ALBAYPatuloy nating isulong ang Barangay Road Clearing Operations (BaR...
22/08/2026

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT NG PUNONG BARANGAY – POLANGUI, ALBAY

Patuloy nating isulong ang Barangay Road Clearing Operations (BaRCO) alinsunod sa DILG MC No. 2024-053. Layunin nito na panatilihing malinis, ligtas, at malayang magamit ng publiko ang ating mga kalsada, eskinita, sidewalks, tulay, at iba pang pampublikong lugar.

πŸ”Ή Suriin at alisin ang mga nakaharang tulad ng illegal parking, makeshift stalls, store extensions, construction debris at iba pang obstructions.
πŸ”Ή I-mobilize ang Barangay Tanods at mga katuwang na grupo para sa monitoring at information campaign.
πŸ”Ή Kumpletuhin ang kinakailangang documentation, photo documentation at monthly compliance reports.
πŸ”Ή Ihanda at isumite ang mga kinakailangang MOVs para sa assessment at validation.

🀝 Ang malinis at malayang kalsada ay responsibilidad nating lahat. Sama-sama nating panatilihing ligtas, maayos at accessible ang ating mga barangay para sa bawat mamamayan.

π‘³π’Šπ’ˆπ’•π’‚π’” π‘»π’Šπ’ˆπ’…π’‚π’”: 𝑴𝒆𝒂𝒔𝒍𝒆𝒔-𝑹𝒖𝒃𝒆𝒍𝒍𝒂 π‘Ίπ’–π’‘π’‘π’π’†π’Žπ’†π’π’•π’‚π’ π‘°π’Žπ’Žπ’–π’π’Šπ’›π’‚π’•π’Šπ’π’ π‘¨π’„π’•π’Šπ’—π’Šπ’•π’š (𝑴𝑹 𝑺𝑰𝑨) π’˜π’Šπ’•π’‰ π‘½π’Šπ’•π’‚π’Žπ’Šπ’ 𝑨 π‘Ίπ’–π’‘π’‘π’π’†π’Žπ’†π’π’•π’‚π’•π’Šπ’π’ 2026Hinihikaya...
03/08/2026

π‘³π’Šπ’ˆπ’•π’‚π’” π‘»π’Šπ’ˆπ’…π’‚π’”: 𝑴𝒆𝒂𝒔𝒍𝒆𝒔-𝑹𝒖𝒃𝒆𝒍𝒍𝒂 π‘Ίπ’–π’‘π’‘π’π’†π’Žπ’†π’π’•π’‚π’ π‘°π’Žπ’Žπ’–π’π’Šπ’›π’‚π’•π’Šπ’π’ π‘¨π’„π’•π’Šπ’—π’Šπ’•π’š (𝑴𝑹 𝑺𝑰𝑨) π’˜π’Šπ’•π’‰ π‘½π’Šπ’•π’‚π’Žπ’Šπ’ 𝑨 π‘Ίπ’–π’‘π’‘π’π’†π’Žπ’†π’π’•π’‚π’•π’Šπ’π’ 2026

Hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na may edad 6 hanggang 59 buwan sa Barangay Anopol Health Center upang mabakunahan laban sa Tigdas (Measles) at Rubella at mabigyan ng libreng Vitamin A Supplementation.

πŸ“… Iskedyul ng Pagbabakuna:

πŸ—“οΈ Agosto 10, 2026 (Lunes)
πŸ•— 8:00 AM – 2:00 PM
πŸ“ Barangay Balangibang Health Center
πŸ§‘β€πŸ§’β€πŸ§’ Mga bata sa Purok 1-3

πŸ—“οΈ Agosto 11, 2026 (Martes)
πŸ•— 8:00 AM – 2:00 PM
πŸ“ Barangay Balangibang Health Center
πŸ§‘β€πŸ§’β€πŸ§’ Mga bata sa Purok 4-6

πŸ”΄ Mop-up Vaccination
πŸ—“οΈ Agosto 17, 2026 (Lunes)
πŸ•— 8:00 AM – 2:00 PM
πŸ“ Barangay Balangibang Health Center
πŸ§‘β€πŸ§’β€πŸ§’ Mga bata sa Purok 1-6

Sundin ang iskedyul na nakatalaga para sa inyong purok. Kung hindi makakadalo sa itinakdang araw, maaari pa ring magpabakuna sa araw ng Mop-up Vaccination upang matiyak na walang batang kwalipikado ang maiiwan.

Ang MR SIA ay bahagi ng kampanya ng Department of Health upang maprotektahan ang lahat ng batang may edad 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas at rubella. Ang pagbabakuna ay nakatutulong na maiwasan ang malubhang komplikasyon tulad ng pulmonya, encephalitis (pamamaga ng utak), kapansanan, at maging pagkamatay. Kasabay rin nito ang pagbibigay ng Vitamin A Supplementation na tumutulong sa pagpapalakas ng resistensya, pagpapanatili ng malusog na paningin, at pagbawas ng panganib ng malubhang impeksiyon.

βœ… Libreng bakuna laban sa Tigdas (Measles) at Rubella
βœ… Libreng Vitamin A Supplementation
βœ… Ligtas, epektibo, at aprubado ng Department of Health (DOH)

Protektahan ang iyong anak. Makilahok sa MR SIA 2026! πŸ’‰

22/07/2026
22/07/2026

PAALALA PARA SA PUBLIKO TUNGKOL SA DSWD UPLIFT PROGRAM PARA SA MGA POOR AND NEAR POOR CATEGORY (Hindi 4Ps, Walang Gutom at SSS low income earners)

Upang maiwasan ang kalituhan, narito ang ilang mahahalagang paalala tungkol sa implementasyon ng DSWD UPLIFT Program:

πŸ“Œ Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ipapadala ng DSWD sa mga barangay. Ang tungkulin ng barangay ay ipaalam lamang sa mga nakasama sa listahan ang iskedyul ng payout, lugar ng pamamahagi, at mga kinakailangang dokumento.

πŸ“Œ Hindi ang barangay ang gumagawa ng listahan ng mga benepisyaryo. Ang batayan ng DSWD ay ang Community-Based Monitoring System (CBMS) at iba pang proseso ng validation.

πŸ“Œ Hindi rin kailangang magpalista sa barangay upang mapasama sa UPLIFT. Kung kwalipikado ang inyong household, makikita na ito sa records ng DSWD.

πŸ“Œ Bago ang bawat payout, isinasagawa ng DSWD ang validation at deduplication upang matiyak na ang mga kwalipikadong benepisyaryo lamang ang makatatanggap ng ayuda.

πŸ“Œ Kung pumanaw o hindi na kayang tumanggap ng ayuda ang household head, maaari siyang palitan ng adult household member na kabilang din sa parehong household at nakalista sa CBMS, alinsunod sa patakaran ng DSWD.

πŸ“Œ Para sa mga nasa malayong lugar dahil sa trabaho o pansamantalang hindi makakadalo, maaaring payagan ang kapalit kung ito ay pinahihintulutan ng DSWD at ang kapalit ay kabilang din sa household na nasa talaan ng CBMS.

πŸ“Œ Ang mga opisyal na anunsyo tungkol sa payout, listahan ng mga benepisyaryo, at iba pang detalye ay manggagaling lamang sa DSWD at ipaaabot sa pamamagitan ng inyong barangay o lokal na tanggapan ng social welfare.

Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga opisyal na anunsyo bago magbahagi ng impormasyon sa social media upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita at hindi kinakailangang pagkalito.

Records will based on year 2024

22/07/2026

ALAMIN: SINO ANG MAKAKATANGGAP NG β‚±2,000 UPLIFT ASSISTANCE AT PAANO ITO MATATANGGAP?

Mas malinaw na ang mga target na benepisyaryo at paraan ng pag-release ng ayuda sa ilalim ng UPLIFT Assistance Program. Narito ang tatlong pangunahing pangkat:

1.5 MILYONG LOW-INCOME SSS MEMBERS

Ayuda: β‚±2,000 bawat buwan, Hulyo hanggang Disyembre 2026

Target ang mga low-income SSS members na may Monthly Salary Credit (MSC) na β‚±20,000 pababa, may nakarehistrong SSS disbursement account as of April 2026, at kabilang din sa Community-Based Monitoring System (CBMS).

PARAAN NG PAG-RELEASE: Ang β‚±2,000 buwanang ayuda ay direktang papasok sa kanilang nakarehistrong SSS disbursement account.

2.5 MILYONG POOR AT NEAR-POOR

Ayuda: β‚±2,000 bawat buwan, Hulyo hanggang Disyembre 2026

Ang mga benepisyaryo ay matutukoy batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS). Ang pagpili ay nakabatay sa opisyal na datos ng CBMS at hindi sa listahang ibibigay o rekomendasyon ng mga politiko.

PARAAN NG PAG-RELEASE: Ang unang payout ay manual. Sa prosesong ito, kukunin din ang kinakailangang impormasyon para magkaroon o mairehistro ang kanilang digital accounts. Ang mga susunod na buwanang β‚±2,000 ayuda ay digital na ang pag-release hanggang Disyembre 2026.

3.5 MILYONG 4Ps AT WALANG GUTOM BENEFICIARIES

Ayuda: One-time additional assistance na hanggang β‚±2,000

PARAAN NG PAG-RELEASE: Para sa 4Ps beneficiaries, ang one-time assistance ay ipapasok sa kanilang LandBank accounts. Para naman sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program, ang karagdagang tulong ay isasabay sa kanilang food redemption.

πŸ“Œ PAALALA: Ang mga detalyeng ito ay batay sa mga pahayag tungkol sa pagpapatupad ng UPLIFT Assistance. Hinihintay pa rin ang kumpletong written implementing guidelines ng mga kinauukulang ahensya para sa pinal na detalye at eksaktong iskedyul ng payout.

22/07/2026

πŸ“’ PAALALA PARA SA MGA NAGTATANONG KUNG KASALI SA UPLIFT β‚±2,000 ASSISTANCE (POOR/NEAR-POOR CATEGORY)

Kung nais ninyong malaman kung kabilang ang inyong household sa UPLIFT β‚±2,000 Assistance para sa Poor/Near-Poor Category, abangan po ang opisyal na listahan na ipapadala sa inyong barangay.

πŸ“Œ Ugaliing silipin ang inyong barangay hall at opisyal na page ng inyong barangay, dahil doon ilalabas ang mga pangalan ng mga kwalipikadong benepisyaryo kapag natanggap na nila ang listahan.

❗️Paalala lamang: Hindi na po kailangang magpalista para sa kategoryang ito. Ang pagbabasehan ay ang mga kwalipikadong household mula sa CBMS na isinailalim sa validation ng pamahalaan.

Maghintay lamang sa opisyal na anunsyo ng inyong barangay at mag-ingat sa mga maling impormasyon.

πŸ“’ PAALALA | CBMS 2026 VALIDATION – Barangay BalangibangMagandang araw, mga ka-Barangay!Narito na ang listahan ng mga res...
13/07/2026

πŸ“’ PAALALA | CBMS 2026 VALIDATION – Barangay Balangibang

Magandang araw, mga ka-Barangay!
Narito na ang listahan ng mga residenteng nakatakdang sumailalim sa CBMS Validation sa Hulyo 27, 2026 (Lunes), 8:00 AM – 5:00 PM sa Barangay Hall ng Balangibang.

βœ… Paki-check kung kasama ang inyong pangalan sa listahan.

❓Kung hindi malinaw ang listahan o gusto ninyong malaman kung kasama kayo, mag-iwan lamang ng mensahe sa aming page o mag-comment sa post. Tutulungan namin kayong i-verify ang inyong pangalan.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon! πŸ’™πŸ‡΅πŸ‡­



Address

Balangibang
Polangui
4605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Balangibang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Balangibang:

Shortcuts

Share