12/08/2026
📢 PAUNANG ABISO 📢
PAGBABAGO SA PARAAN NG PAGTUTURO — AGOSTO 13, 2026
Batay sa DepEd Order No. 014, s. 2026 at bilang paghahanda sa nakatakdang pagkawala ng kuryente ng ALECo mula 6:00 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi sa bayan ng Polangui, ang lahat ng klase mula Kindergarten hanggang Ika-anim na Baitang sa darating na Agosto 13, 2026 ay ililipat mula sa harapang pagtuturo patungo sa MODULAR NA PAGTUTURO SA MALAYO.
💡 HINAY — Dahan-dahan lamang!
Ang pagkatuto ay magpapatuloy ngunit may mga kailangang pagsasaayos. Isasaayos ang pagtuturo ayon sa kalagayan at mga mapagkukunang mayroon tayo upang masiguro na walang magiging hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
👉 Ang mga modyul ay ibibigay ayon sa nakasanayang pamamaraan. Hinihiling ang pakikipagtulungan ng mga magulang at tagapag-alaga upang matulungan ang mga bata sa kanilang pag-aaral sa bahay.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na pakikipagtulungan!