12/08/2026
ANUNSYO📢📢📢
PARA SA: Lahat ng G**o, Magulang, at Mag-aaral ng Lourdes Elementary School
PAKSA: Pagsuspende ng Face-to-Face Classes at Paglipat sa Modular Distance Learning (Agosto 13, 2026)
Ipinagbibigay-alam sa lahat na batay sa panuntunan ng DepEd Order No. 014, s. 2026 (HINAY) at alinsunod sa EO No. 060 ng Opisina ng Mayor ng Polangui hinggil sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral sa gitna ng mga limitasyon sa pasilidad o serbisyo, WALANG FACE-TO-FACE CLASSES sa Lourdes Elementary School bukas, Agosto 13, 2026 (Huwebes).
Ito ay dahil sa nakatakdang pagkawala ng supply ng kuryente (power interruption) ng ALECO sa buong bayan ng Polangui, Albay mula 6:30 AM hanggang 6:30 PM.
Upang hindi maantala ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral:
✍️Modular Distance Learning: Gagamitin ang mga Self-Learning Modules (SLMs) o nakalaang gawaing pampagkakatuto para sa araw na ito.
✍️Mga Alituntunin sa G**o at Magulang:
Mangyaring abangan ang karagdagang gabay at tagubilin mula sa Class Advisers ng inyong mga anak sa pamamagitan ng inyong mga opisyal na class group chat o komunikasyon.
Sisiguruduhin ng mga g**o na maibigay ang mga gabay sa gawain bago o sa simula ng oras ng klase.
✍️Magbabalik ang regular na face-to-face classes sa Biyernes, Agosto 14, 2026.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pag-unawa, kooperasyon, at suporta para sa ligtas at tuloy-tuloy na edukasyon ng ating mga kabataan.