02/09/2020
PUBLIC SCHOOLS: Pormal na magbubukas ang School Year 2020-2021 sa 5 Oktubre 2020, Lunes, at magtatapos sa 16 Hunyo 2021, Miyerkules. Ang taong-panuruan ay maglalaman ng 200 school days ayon sa itinakda ng batas.
Ang mga pribadong paaralan ay maaaring magsimula ng klase bago ang Oktubre 5 ngunit distance learning modalities lamang ang ipatutupad at walang face-to-face classes.