21/08/2026
๐ฎ ๐ ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฆ๐๐๐๐ข, ๐ก๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐ข๐๐ข๐ ๐ข๐๐ข๐, ๐ฆ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐๐ง๐ข; ๐ฎ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฅ, ๐ฆ๐จ๐๐๐ง๐๐ก
Sugatan ang dalawang driver matapos magsalpukan ang kani-kanilang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Purok 5, Brgy. Sumbakil, Polomolok, South Cotabato nitong Agosto 19, 2026, bandang alas-2:45 ng hapon.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang banggaan sa isang pakurbadang bahagi ng kalsada nang magkasalubong ang Skygo 150 motorcycle na minamaneho ni Christian Cacas Tejeros , 22-anyos, at ang Yamaha STX 125 motorcycle na minamaneho naman ni Hajmer Sadalao Adam, 19-anyos.
Nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan si Tejeros habang nasugatan din si Adam, kung saan agad silang dinala ng barangay rescue team sa Polomolok Municipal Hospital para sa agarang medikal na lunas habang dinala naman sa estasyon ng pulisya ang dalawang nadamay na sasakyan.
๐ท๐ช๐ ๐ค๐๐ข๐๐ฎ๐๐ณ: ๐๐ฉ๐๐ต๐ ๐๐ด ๐๐ผ ๐บ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ข๐ก๐ฆ๐ ๐๐ด ๐ง๐๐ณ ๐ช๐๐ญ๐ข๐ด๐ก๐ณ๐๐ต๐๐ฐ๐ ๐๐ถ๐๐ฑ๐๐ด๐๐ด ๐ฐ๐๐ญ๐ฆ
Like and follow us at Marbelenews Online