03/08/2025
Sa utos ni Kapitan Romy Gamboa, isinagawa ang misting operation sa Barangay Pulong Santol bilang bahagi ng tuloy-tuloy na hakbang laban sa sakit na dengue.
Layunin nitong mapuksa ang mga lamok na maaaring magdala ng sakit—lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Patuloy ang mga ganitong gawain sa iba’t ibang bahagi ng barangay bilang bahagi ng kampanya para sa kalusugan at kaligtasan ng bawat residente, lalo na ng mga bata at matatanda.
Upang maging matagumpay ang lahat ng hakbang para sa komunidad, kailangan ang tunay na pagkakaisa at kooperasyon.
Sapagkat ang tapat na serbisyo ay hindi lang nasusukat sa pangalan—kundi sa gawa.
Kalusugan ay kayamanan—kaya’t makiisa at mag-ingat para sa isang ligtas na Barangay Pulong Santol.
"ABE-ABE KENG PANYULUNG"