26/03/2026
📌 ONLINE BISITA (VIRTUAL VISITATION)📌
Bandang 9:00 ng umaga, Marso 24, 2026, ang mga tauhan ng himpilang ito sa ilalim ng pamamahala ni PLTCOL JULITO A RABENA II, Chief of Police, ay nagsagawa ng Online Bisita sa mga Persons Under Police Custody (PUPCs) sa pamamagitan ng Messenger.
Layunin ng nasabing aktibidad na mabigyan ang mga PUPC ng pagkakataong makausap ang kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay na hindi nila personal na nakakasalamuha sa kasalukuyan.