BLGU - Port Barton

BLGU - Port Barton This is the Official Page of Barangay Local Government of Bgy. Port Barton, San Vicente, Palawan, Ph

IEC CAMPAIGN ON SOLID WASTE MANAGEMENTAlam mo ba kung paano ang tamang paghihiwalay ng basura? ♻️Halina’t makiisa sa ati...
06/05/2026

IEC CAMPAIGN ON SOLID WASTE MANAGEMENT

Alam mo ba kung paano ang tamang paghihiwalay ng basura? ♻️
Halina’t makiisa sa ating Information and Education Campaign (IEC) para sa mas malinis at mas ligtas na komunidad!

📌 Tatalakayin:
✔ Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act)
✔ Tamang Waste Segregation
✔ Small-Scale Composting
✔ Marine Debris Awareness

Uri ng Basura:
• Biodegradable
• Recyclable
• Residual
• Hazardous

📅 Petsa: May 7, 2026 (Huwebes)
⏰ Oras: 9:00 AM
📍 Lugar: Barangay Gymnasium, Port Barton

PAANYAYA PARA SA LIBRENG TULIInaanyayahan ang lahat ng nagnanais na magpatuli na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Baranga...
02/05/2026

PAANYAYA PARA SA LIBRENG TULI

Inaanyayahan ang lahat ng nagnanais na magpatuli na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Barangay upang magpalista.

Panahon ng Pagpapalista:
Mula Lunes, Mayo 04 hanggang Mayo 08

Mangyaring magtungo lamang sa opisina ng barangay sa itinakdang petsa upang makasama sa listahan.

Maraming salamat po!

TIGNAN | Baranggay Kalinisan DayNaging matagumpay ang BARKADA (Barangay Kalinisan Day) noong Abril 25, 2026 na ginanap s...
26/04/2026

TIGNAN | Baranggay Kalinisan Day

Naging matagumpay ang BARKADA (Barangay Kalinisan Day) noong Abril 25, 2026 na ginanap sa Port Barton Beach, sa pangunguna ng BLGU–Port Barton katuwang ang iba’t ibang organisasyon, komunidad, at ating mga uniformed personnel.

Sa sama-samang pagtutulungan, nalinis at naihanda ang bahagi ng Port Barton Beach bilang paghahanda sa nalalapit na Inter-Municipality Beach Volleyball League.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! 💪

𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡𝗜𝗡 | 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗪𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚Inaanyayahan ang lahat ng residente, business owners, mga organisasyon, at iba’t ib...
25/04/2026

𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡𝗜𝗡 | 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗪𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚

Inaanyayahan ang lahat ng residente, business owners, mga organisasyon, at iba’t ibang sektor ng Barangay Port Barton na dumalo sa isang Public Hearing kaugnay ng isyu ng rotational brownouts sa ating lugar.

Layunin ng pagpupulong na ito na mapakinggan ang inyong mga opinyon at suhestiyon kung paano mas magiging maayos at hindi gaanong abala ang iskedyul ng pagkawala ng kuryente.

📌 Kabilang dito ang:
• Mas angkop na oras ng brownout (hal. araw o gabi)
• Mga suhestiyon upang mabawasan ang epekto nito sa kabuhayan at araw-araw na gawain
• Iba pang praktikal na ideya mula sa komunidad

📢 Inanyayahan din sa nasabing pagpupulong ang ating power provider na PowerSource Philippines Inc. (PSPI) upang maipaliwanag ang kanilang panig at masagot ang mga katanungan ng publiko. Layunin nito na magkaroon ng bukas na talakayan kung saan parehong maririnig ang panig ng kumpanya at ng komunidad.

📅 Petsa: April 26, 2026
🕒 Oras: 2:00 PM
📍 Lugar: Barangay Gymnasium

Mahalaga ang inyong presensya upang sama-sama nating mahanapan ng mas maayos na solusyon ang sitwasyong ito.

𝗠𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜. 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞. 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔.

📢 PAKIUSAP SA MGA MAY-ARI NG BANGKAMagandang araw, mga ka-Barangay!Ang BLGU Port Barton ay magalang na nakikiusap sa lah...
24/04/2026

📢 PAKIUSAP SA MGA MAY-ARI NG BANGKA

Magandang araw, mga ka-Barangay!

Ang BLGU Port Barton ay magalang na nakikiusap sa lahat ng may-ari ng bangka na kasalukuyang naka dry-dock sa bahagi ng El Durado at Ferellee, na pansamantalang ilipat o tanggalin ang kanilang mga bangka sa nasabing lugar.

Ito ay upang bigyang-daan ang nalalapit na Inter-Municipality Beach Volleyball Competition na gaganapin sa susunod na linggo. Ang nasabing aktibidad ay inaasahang dadaluhan ng mga kalahok at bisita mula sa iba’t ibang lugar, kaya mahalaga ang maayos at malinis na paghahanda ng venue.

Umaasa po kami sa inyong kooperasyon at pag-unawa upang maging matagumpay ang ating programa.

📅 Mangyaring maisagawa ang paglipat ng mga bangka sa lalong madaling panahon bago ang itinakdang petsa ng aktibidad.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa mga programa ng ating barangay!

— BLGU Port Barton

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Naging matagumpay ang isinagawang BARKADA (Barangay Kalinisan Day) noong Sabado, Abril 18, 2026, sa pangunguna...
20/04/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Naging matagumpay ang isinagawang BARKADA (Barangay Kalinisan Day) noong Sabado, Abril 18, 2026, sa pangunguna ng BLGU-Port Barton katuwang ang iba’t ibang sektor ng barangay, mga NGO’s, associations, at mga uniformed personnel.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit sa kalinisan ng komunidad, muling naipamalas ang diwa ng bayanihan tungo sa isang mas maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa lahat.

Bahagi rin ng inisyatibong ito ang paghahanda para sa nalalapit na Inter-Municipality Beach Volleyball Tournament na gaganapin sa katapusan ng buwan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng kanilang oras at lakas para sa ikabubuti ng ating barangay. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng Port Barton! 🌿💙

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Amat-amat na Pagpapatupad ng Barangay Ordinance No. 05, Series of 2018“An Ordinance Banning the Use and Trade ...
16/04/2026

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | Amat-amat na Pagpapatupad ng Barangay Ordinance No. 05, Series of 2018
“An Ordinance Banning the Use and Trade of Single-Use Plastic and Other Plastic Materials that Degrade the Environment and Declaring Certain Prohibited Acts and Providing Penalties Thereof”

Ipinaaalam sa lahat na ang ating Barangay ay magsisimula ng amat-amat o dahan-dahang pagpapatupad ng ordinansa kaugnay sa pagbabawal ng paggamit at pagbebenta ng single-use plastics.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kalinisan ng ating komunidad. Ito rin ay tugon sa lumalalang suliranin sa basura sa ating barangay, kung saan inaasahang makakatulong ang ordinansang ito upang mabawasan ang paggamit ng plastik at mapanatili ang kaayusan ng ating kapaligiran.

𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗨𝗦𝗔:

• Unang Paglabag: ₱300.00 + hindi pagproseso ng barangay documents hangga’t hindi sumusunod
• Ikalawang Paglabag: ₱600.00 + hindi pagproseso ng barangay documents hangga’t hindi sumusunod
• Ikatlo at mga susunod pa: ₱1,000.00 + posibleng pagbawi o hindi pag-renew ng permit

📍 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡:

Sa mga susunod na araw, magsasagawa ang Barangay ng mga pag-iikot at inspection sa mga establisyemento upang magbigay paalala at tiyakin ang unti-unting pagsunod sa ordinansa.

Magkakaroon din ng pagpapaskil ng mga posters at iba pang impormasyon upang gabayan ang publiko hinggil sa implementasyon nito.

Sama-sama nating protektahan ang ating kalikasan.

Ang disiplina ngayon ay para sa mas malinis at mas ligtas na kinabukasan.

📢 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗚𝗨 – 𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗕𝗔𝗥𝗧𝗢𝗡Ipinababatid sa lahat na alinsunod sa inilabas na Executive Order ng Pangulo na nagd...
14/04/2026

📢 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗚𝗨 – 𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗕𝗔𝗥𝗧𝗢𝗡

Ipinababatid sa lahat na alinsunod sa inilabas na Executive Order ng Pangulo na nagdedeklara ng State of National Energy Emergency dulot ng kasalukuyang pandaigdigang krisis, ang lahat ng nakatakdang selebrasyon, pista, at pampublikong aktibidad na pangungunahan ng BLGU–Port Barton ay PANSAMANTALANG KANSELADO hanggang sa susunod na abiso.

Hinihiling po namin ang inyong pag-unawa at pakikiisa sa panahong ito.

Maraming salamat po. 🙏

Address

Purok Masigla
Port Barton
5309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639171425115

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BLGU - Port Barton posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share