Team Kapamilya Libreng Kabaong Program

Team Kapamilya Libreng Kabaong Program Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team Kapamilya Libreng Kabaong Program, Public Service, Poblacion, President Quirino.

"ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€ 𝐀𝐓 𝐒𝐀 π‹πŽπŠπ€π‹ 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π 𝐍𝐆 ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“ ππ”πˆπ‘πˆππŽ"Ang Lokal na Pamahalaan ng President Quirino...
08/01/2025

"ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 ππ€πŒπˆπ‹π˜π€ 𝐀𝐓 𝐒𝐀 π‹πŽπŠπ€π‹ 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π 𝐍𝐆 ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“ ππ”πˆπ‘πˆππŽ"

Ang Lokal na Pamahalaan ng President Quirino, sa pangunguna ng ating mahal na alkalde, Hon. Ma. Katrina Florida Sandigan, bise-alkalde, Hon. Meris Ian Aradanas at 16th Sangguniang Bayan Pres Quirino ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya ng yumaong si Jasmin T. Palaroan. Sa panahong ito ng pagdadalamhati, kami ay nakikiisa sa inyong dalamhati at panalangin para sa kanyang kapayapaan.

Kasabay nito, ipinaaabot ng lokal na pamahalaan ng President Quirino at pamilya ng yumaong si Jasmin T. Palaroan ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga lider ng probinsya sa ating mahal na Gov. Datu Pax Ali S. Mangudadatu, Vice Governor, Raden C. Sakaluran at Congresswoman, Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran para sa tulong na libreng kabaong na inyong ipinagkaloob. Ang libreng kabaong na inyong ibinigay ay malaking kaginhawaan para sa pamilya sa panahong ito ng kanilang pagdadalamhati.

Muli, ang aming mga panalangin ay sumainyo, at nawa’y magbigay ng lakas at kapanatagan ang Diyos sa lahat ng naiwan ng ating kababayang si Jasmin T. Palaroan. πŸ™

"ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 π‹πŽπŠπ€π‹ 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π 𝐍𝐆 ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“ ππ”πˆπ‘πˆππŽ"Isang taus-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Lokal na ...
08/01/2025

"ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ πŒπ”π‹π€ 𝐒𝐀 π‹πŽπŠπ€π‹ 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π 𝐍𝐆 ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“ ππ”πˆπ‘πˆππŽ"

Isang taus-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaan ng President Quirino, sa pangunguna ng ating mahal na alkalde, Hon. Ma. Katrina Florida Sandigan, bise-alkalde, Hon. Meris Ian Aradanas at ng 16th Sangguniang Bayan Pres Quirino kasama ang buong pamilyang nangungulila (Ferrer family), sa walang sawang pagtulong at suporta ng mga lider ng ating probinsya sa ating mga kababayan.

Lubos ang aming pasasalamat at ng pamilya sa ating masipag at maasahang Gov. Datu Pax Ali S. Mangudadatu, sa kagalang-galang na Vice Governor, Raden C. Sakaluran, at Congresswoman, Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran para sa kanilang walang sawang pagsuporta sa ating mga adhikain, lalo na sa pagkakaloob ng libreng kabaong sa mga pamilyang nangangailangan.

Ang inyong malasakit ay nagbibigay ng kaginhawaan at pag-asa sa ating mga kababayan, lalo na sa mga panahon ng pagsubok. Ang inisyatibong ito ay patunay ng inyong dedikasyon at pagmamahal para sa ating mga mamamayan, na siyang inspirasyon para sa aming lahat na magpatuloy sa paglilingkod.

Mula sa aming puso, maraming salamat po sa inyong hindi matatawarang serbisyo at pagmamalasakit. ☝️☝️☝️

Address

Poblacion
President Quirino
9804

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team Kapamilya Libreng Kabaong Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category