01/07/2026
๐ Kalambuan 2026: Pagkilala sa 309 Pamilyang Matagumpay na Nagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
Matagumpay na naisagawa noong ika-30 ng Hunyo 2026 ang Kalambuan 2026: 4Ps Graduation Ceremony, isang pagdiriwang na kumilala sa pagtatapos ng 309 pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Municipal Gymnasium ng Bayan ng President Quirino.
Sa temang "Pugay Tagumpay sa mga Pamilyang Nagtapos bilang Miyembro-Benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program," binigyang-pugay ang mga pamilyang nagpakita ng sipag, tiyaga, at katatagan sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Ang kanilang matagumpay na pagtatapos sa programa ay sumasalamin sa kanilang pag-unlad at kahandaan na tahakin ang landas tungo sa higit na pagiging matatag, may kakayahang umasa sa sariling lakas, at may mas maayos na kalidad ng pamumuhay.
Ang pagtatapos na ito ay hindi lamang pagwawakas ng kanilang pagiging benepisyaryo ng programa, kundi isang mahalagang yugto na nagpapakita ng bunga ng kanilang mga pagsisikap at ng sama-samang pagtutulungan ng pamahalaan at ng komunidad sa pagtataguyod ng pangmatagalang kaunlaran.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito sa iba pang pamilya upang patuloy na magsikap, magtiwala sa sariling kakayahan, at makiisa sa mga programang nagtataguyod ng tunay at inklusibong pag-unlad. Taos-puso naming binabati ang lahat ng nagsipagtapos! Ang inyong tagumpay ay patunay na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, pagkakaisa, at pag-asa, makakamit ang isang mas maunlad, matatag, at masaganang kinabukasan.
Ang tagumpay ng makabuluhang gawaing ito ay hindi magiging ganap kung wala ang buong suporta at matibay na pakikiisa ng ating mga katuwang. Taos-puso ang aming pasasalamat kay Punong Bayan Hon. Ma. Katrina Florida Sandigan sa kanyang walang sawang suporta, malasakit, at matatag na paninindigan sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Bayan ng President Quirino. Ang kanyang pamumuno at patuloy na pagtataguyod sa mga programang pangkaunlaran ay naging mahalagang salik sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga benepisyaryong pamilya.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng mga partner stakeholders ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Bayan ng President Quirinoโsa mga tanggapan ng pamahalaan, mga institusyon, mga katuwang na ahensya, at iba pang organisasyong patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng bawat pamilya. Ang inyong dedikasyon, pagtutulungan, at walang humpay na suporta ay naging mahalagang bahagi sa tagumpay ng programa at sa pagkamit ng pangmatagalang kaunlaran ng ating komunidad.