15/07/2026
Matagumpay na naisagawa ang isang mahalagang pagpupulong noong nakaraang Hulyo 13, 2026 upang talakayin ang operational plan ng PGUSORTSCO.
Isang malaking karangalan ang pagdalo ng ating mga pinuno at stakeholders, kabilang sina LTO Chief Arlete Logronio at LTFRB Regional Director Joel R. Defeo,PPDO focal person PDO IV Juliuz Dellomas, MPDO Ricky Domasig.
Mula sa ating produktibong diskusyon, napagkasunduan ang mga sumusunod na iskedyul at deployment para sa mas maginhawang biyahe ng publiko:
🔹 Magdedeploy ang PGUSORTSCO ng 15 units ng e-jeep para sa dry run sa loob ng isang buwan araw araw simula July 20 to August 20,2026
🔹Hindi sumangayon ang konseho sa kahilingan ng PGUSORTSCO na sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes ay 15 unit ng kooperatiba ang kanilang ilalabas at sa mga araw ng Martes, Huwebes, Sabado at Linggo ay 9-10units lng nito ang lalabas, bagkus ay napagkasunduan na mag dry run sa loob ng isang buwan na 15 units ang lalabas araw araw.
🔹Pasenger capacity: 23 plus 10 maximum standing passengers
🔹 Unang Biyahe (mula Pto. Diaz): 5:00 AM
🔹 Huling Biyahe (mula Sorsogon): 7:00 PM
Bukod dito, iginawad din ng konseho ang isang Certificate of Commendation kay Sorsogon Provincial Director Pcol.Alex Daniel bilang pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo at suporta.