15/10/2026
Counseling sa PWUDs Tungkol sa Kamalayan sa Masamang Epekto ng Droga
Nagsagawa ng counseling para sa isang Persons Who Use Drugs (PWUDs) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalawak ang kaalaman at kamalayan tungkol sa masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na droga. Layunin ng gawaing ito na mabigyan ang mga kalahok ng tamang impormasyon, gabay, at suporta upang mahikayat silang gumawa ng mas mabuting desisyon para sa kanilang kalusugan, pamilya, at kinabukasan.
Sa isinagawang counseling, tinalakay ang mga posibleng epekto ng paggamit ng droga sa pisikal at mental na kalusugan, relasyon sa pamilya, pakikisalamuha sa komunidad, at pang araw-araw na pamumuhay. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili, positibong pananaw sa buhay, at pag iwas sa mga sitwasyong maaaring magtulak sa muling paggamit ng droga.
Higit sa lahat, ipinaalala sa kalahok na ang pagbabago ay nagsisimula sa pagkilala sa sariling sitwasyon at sa kahandaang humingi ng tulong. Sa pamamagitan ng maayos na paggabay, pag unawa, at suporta mula sa pamilya, komunidad, at mga kinauukulang ahensya, mas nagiging posible ang pagbabagong kanilang ninanais.
Ang gawaing ito ay nagpapakita na ang bawat tao ay nararapat bigyan ng pagkakataong magbago at makapagsimula muli. Patuloy na isinusulong ang kamalayan sa droga, maagang paghingi ng tulong, at sama-samang pagkilos tungo sa isang ligtas, malusog, at drug free na pamayanan.