29/09/2026
Nanawagan ang beteranong actor na si Edu Manzano na huwag umikot lamang kay Vice President Sara Duterte ang usapin ng pananagutan sa gobyerno, kasabay ng pagbanggit niya sa tinatayang โฑ1.6 trilyong halaga ng pondong nawawala umano taun-taon dahil sa korapsyon.
โHabang nakatutok tayo sa iisang pangalan, tinatayang โฑ1.6 trillion ang nawawala sa bayan dahil sa korapsyon. Hindi pa ito nangangahulugang lahat ay napatunayang ninakawโkaya dapat imbestigahan at isa-isahin,โ ani Manzano sa kanyang social media post.
Ang โฑ1.6-trilyong figure ay estimate, hindi halaga ng perang napatunayang ninakaw. Nagmula ito sa pagsusuring inilathala ng P&A Grant Thornton na nag-apply ng dating 20% corruption-loss estimate sa 2024 national budget.
Diretsahan ding nagtanong si Manzano: โNiloloko na tayo pero ayaw niyo pang magalit?โ
Iginiit niyang may karapatan ang mga Pilipino na malaman kung saan napupunta ang kanilang buwis, lalo na sa gitna ng mga imbestigasyon sa umanoโy anomalya sa flood-control at iba pang infrastructure projects.
โIlabas ang mga dokumento: sino ang humiling, pumirma, nag-apruba, at nakinabang?โ hamon niya.
Binanggit din ni Manzano ang naging kontrobersiya sa deliberasyon ng 2027 congressional budget, kung saan unang idineklarang โout of orderโ ang mosyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco na muling buksan ang plenary debate. Kalaunan, noong Setyembre 23, ipinabura rin ng Kamara sa record ang naturang โout of orderโ ruling.
Nilinaw naman ni Manzano na hindi niya ipinagwawalang-bahala ang mga alegasyon laban kay VP Sara.
โYES, hold Sara accountable for any wrongdoing proven against her. But this is bigger than Sara. Corruption runs through budgets, approvals, contracts, and offices. Huwag tayong hayaang pag-awayin sa iisang pangalan habang yung ibang magnanakaw ay nakakalimutan.โ
Tinukoy rin niya si dating House Speaker Martin Romualdez, na naaresto noong Setyembre 7 matapos siyang kasuhan ng plunder kaugnay ng umanoโy โฑ7.44-bilyong kickback scheme sa government projects.
โOo, naaresto na si Martin Romualdez. PERO IISA LANG DIN SIYANG PANGALAN. Nasaan ang iba? Dapat imbestigahan at panagutin ang lahat ayon sa ebidensya,โ ani Manzano.
Para kay Manzano, hindi dapat maging usapin ng kampihan ang korapsyon: โKung galit ka kay Sara, magalit ka rin sa lahat ng nagnakaw.โ
โWalang palusot. Iimbestigahan. Kasuhan. Bawiin ang pera. MATAGAL NA TAYONG NILOLOKO!!!โ aniya