16/03/2026
Magandang buhay!
Ang Municipal Agriculture Office katuwang ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ay magsasagawa ng blood collection sa mga a*o na nabakunahan sa nakaraang mass anti-rabies vaccination, sa pahintulot ng kanilang mga may-ari.
Layunin ng gawaing ito na masuri kung gaano kaepektibo ang anti-rabies vaccine na naiturok sa ating mga alagang a*o. Makakatulong ang pagsusuring ito upang matiyak na ang ating mga alagang hayop ay may sapat na proteksyon laban sa rabies.
Patungo sa isang komunidad na Rabies-Free, inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at suporta sa gawaing ito.
Ang iskedyul ng blood collection bawat barangay ay makikita sa kalakip na larawan.
Maraming salamat po.