Sangguniang Bayan Puerto Galera

Sangguniang Bayan Puerto Galera The Official page of the Sangguniang Bayan of Puerto Galera

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Nakatuon sa paghahanda para sa nalalapit na Kaaldawan Festival ang isinagawang pagpupulong nina Vice Mayor Rock...
28/09/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Nakatuon sa paghahanda para sa nalalapit na Kaaldawan Festival ang isinagawang pagpupulong nina Vice Mayor Rocky D. Ilagan at Municipal Tourism Operations Officer Mary Christine Ibon, kasama ang mga IPMR ng bawat barangay, sa Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Brgy. Balatero, September 28, 2026.

TINGNAN: Isang pagkakataon para sa pagbabahaginan ng kaalaman at pamamaraan sa larangan ng local governance ang naging c...
22/09/2026

TINGNAN: Isang pagkakataon para sa pagbabahaginan ng kaalaman at pamamaraan sa larangan ng local governance ang naging courtesy visit ng Sangguniang Bayan ng Mansalay sa Sangguniang Bayan ng Puerto Galera, September 22, 2026.

Isa sa mga layunin ng pagbisita na makakuha ng praktikal na insights at mga karanasan hinggil sa mga proseso at pamamaraan sa paghahatid ng legislative services sa antas ng lokal na pamahalaan.

Naging daan ang learning exchange sa pagbabahaginan ng kaalaman, karanasan, at mga pamamaraan na maaaring makatulong sa higit pang pagpapahusay ng legislative services at serbisyo publiko ng bawat bayan, gayundin sa pagpapahayag ng pasasalamat sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Mansalay.

TINGNAN: Mula sa mga usaping pangbarangay hanggang sa mga usaping nangangailangan ng masusing pagtalakay, patuloy na isi...
22/09/2026

TINGNAN: Mula sa mga usaping pangbarangay hanggang sa mga usaping nangangailangan ng masusing pagtalakay, patuloy na isinusulong ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera ang koordinasyon at pagtutulungan sa pamamagitan ng mga Committee Meeting sa Committee Room ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, September 22, 2026.
โ€Ž
โ€ŽPara sa pagtalakay sa mga usapin hinggil sa solid waste management, dumalo sa pagpupulong ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Sinandigan.
โ€Ž
โ€ŽSamantala, pinagtuunan ng pansin ng Committee on Rules, Privileges and Legal Matters, Committee on Tourism, Trade, and Industry, at Committee on Barangay Affairs ang mga mahahalagang usaping nakapaloob sa kani-kanilang mga komite.

TINGNAN: Binigyang-diin ang patuloy na pagpapaigting ng mahusay na pamamahala at serbisyong publiko sa pamamagitan ng mg...
21/09/2026

TINGNAN: Binigyang-diin ang patuloy na pagpapaigting ng mahusay na pamamahala at serbisyong publiko sa pamamagitan ng mga panukalang resolusyon at ordinansa sa isinagawang ika-37 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera, sa pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer Rocky Ilagan, sa Bulwagan ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, September 21, 2026.

TINGNAN: Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera sa isinagawang Shore It Up Weekend 2026...
19/09/2026

TINGNAN: Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera sa isinagawang Shore It Up Weekend 2026 / International Coastal Clean-Up sa mga itinalagang coastal areas ng bayan, September 19, 2026.

Ang pakikiisa ng Sangguniang Bayan sa aktibidad ay sumasalamin sa kahalagahan ng kolektibong responsibilidad at pagkilos para sa pangangalaga ng karagatan at yamang-dagat ng bayan.

TINGNAN: Sa pagpapatuloy ng mga gawain ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera, isinagawa ang Committee Meeting na ginanap...
15/09/2026

TINGNAN: Sa pagpapatuloy ng mga gawain ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera, isinagawa ang Committee Meeting na ginanap sa Committee Room ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, September 15, 2026.

Masusing sinuri ng Committee on Rules, Privileges and Legal Matters at Committee on Barangay Affairs ang mga mahahalagang usaping saklaw ng kani-kanilang komite.

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข!Dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, narito ang pinakabagong Tricycle Fare Matrix (Taripa) na ipat...
15/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข!

Dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, narito ang pinakabagong Tricycle Fare Matrix (Taripa) na ipatutupad sa mga biyahe sa ibaโ€™t ibang barangay sa Puerto Galera, epektibo simula September 15, 2026.

Ang nasabing taripa ay alinsunod sa Kautusang Pambayan Blg. 2022-17, na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera, upang matiyak ang makatarungan, malinaw, at pare-parehong pamasahe para sa lahat.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ:
โ€ขSundin ang itinakdang pamasahe batay sa fare matrix mula sa inyong pinanggalingan at destinasyon.
โ€ขAng nakasaad na regular fare at discounted fare ay para sa:
o Estudyante
o Senior Citizens
o Persons with Disabilities (PWDs)
โ€ข Iwasan ang labis na paniningil sa itinakdang pamasahe.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ:
โ€ข Mahigpit na ipinatutupad ang pagsunod sa fare matrix.
โ€ข Ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa alinsunod sa umiiral na ordinansa.
Tingnan ang kopya ng buong Fare Matrix sa ibaba. Makikita rin ang kopya sa mga terminal, pangunahing sakayan, at iba pang pampublikong lugar sa bayan.

I-click ang link para sa mas malinaw na kopya ng taripa: https://drive.google.com/file/d/1Bo11veFKMWA6mXSr_myYbdXWc-Ijwvo_/view?usp=sharing

Para sa reklamo o sumbong, maaaring tumawag sa numerong ito, 0928-928-7984 (Office of the Mayor Hotline Number), o makipag-ugnayan sa Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB) ng Puerto Galera.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Tampok sa ika-36 Regular Session ng Sangguniang Bayan ang pagdalo ng mga hog raisers, meat vendors, at iba pang...
14/09/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Tampok sa ika-36 Regular Session ng Sangguniang Bayan ang pagdalo ng mga hog raisers, meat vendors, at iba pang stakeholders ng industriya ng baboy na pinangunahan ni Hon. Divina Gracia Delgado โ€“ Paguio bilang Presiding Officer sa Bulwagan ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, September 14, 2026.

Binigyang-pansin dito ang mga pangunahing dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy at ang mga posibleng hakbang upang matugunan ito.

Kasabay nito, tinalakay rin ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang mga panukalang resolusyon na naglalayong tugunan ang iba't ibang usapin at pangangailangan ng bayan.

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—šInaanyayahan ang lahat ng ๐—ต๐—ผ๐—ด ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—บ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐˜€, at iba pang ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ng industriya ng ba...
11/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š

Inaanyayahan ang lahat ng ๐—ต๐—ผ๐—ด ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—บ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐˜€, at iba pang ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ng industriya ng baboy na dumalo sa isang mahalagang pagpupulong upang talakayin ang ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—š๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ, sa kabila ng napapansing pagbaba ng presyo sa ilang kalapit na bayan.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng industriya, mga hamon kaugnay ng presyo ng baboy, at mga posibleng hakbang upang matugunan ang usaping ito.

๐Ÿ“… September 14, 2026
๐Ÿ•˜ 1:00 PM
๐Ÿ“ Sangguniang Bayan Session Hall, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera

Lubos na hinihikayat ang lahat ng kinauukulang stakeholder na makiisa at maging bahagi ng nasabing pagpupulong.

TINGNAN | Patuloy ang masusing pagtalakay ng Sangguniang Bayan sa panukalang ordinansang pambarangay ng Barangay Tabinay...
09/09/2026

TINGNAN | Patuloy ang masusing pagtalakay ng Sangguniang Bayan sa panukalang ordinansang pambarangay ng Barangay Tabinay sa pamamagitan ng Committee Meeting na ginanap sa Committee Room ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, September 9, 2026.

Pinangunahan ng Committee on Rules, Privileges and Legal Matters ang nasabing pagpupulong.

Address

2nd Floor, Left Wing, Gusali Ng Mamamayan Ng Bayan Ng Puerto Galera, Brgy. Balatero
Puerto Galera
5203

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan Puerto Galera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Bayan Puerto Galera:

Shortcuts

Share