04/08/2026
OPISYAL NA ANUNSYO NG BARANGAY.
Para sa Buong Mamamayan ng Barangay Baclayan, ito po ay pormal na paglilinaw para sa lahat ng nagtatanong at nag-aabang kung bakit hindi sila nakasama o nakatanggap sa ipinamahaging 10-kilong bigas (Bagong Pilipinas / Bawat Bayan Makikinabang) na ginanap noong Agosto 4, 2026.
Ang Pamahalaang Barangay ng Baclayan ay nagpaparating ng pormal na paglilinaw na wala silang kinalaman, partisipasyon, o desisyon sa pagpili at pamimigay ng 10-kilong bigas dahil hindi ito ipinadaan sa mga namumuno ng barangay kundi sa sariling kaparaanan at sariling alam ng iba; bagamat hinayaan na lamang ito, ang naging bilin at mahigpit na paalala ay huwag isisi sa mga nanunungkulan sa barangay ang pamimigay na ito sakaling magkaroon ng mga katanungan o isyu ukol dito.
Kaugnay nito, para naman sa mga beneficiaries na nagkaproblema dahil ang kanilang Valid ID ay hindi tugma sa address at humingi ng Barangay Certification bilang patunay ng pagiging residente, nililinaw na alinsunod sa Kodigo ng Barangay, ang lahat ng Barangay Certification ay may kaukulang bayad bukod sa Barangay Indigency na sadyang walang bayad.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.