09/03/2026
Dinaluhan ng Municipal Culture and Arts Section sa pangunguna ni Ms. Graceshyl V. Morte, Culture and Arts Coordinator, ang isang mahalagang pagpupulong sa Barangay Tagumpay upang talakayin ang mga nalalapit na aktibidad para sa pagdiriwang ng Founding Anniversary at Balinghoy Festival mula March 20-22,2026.
Tampok sa pagpupulong ang pag-uusap at pagpaplano para sa mga pangunahing kaganapan tulad ng LGU Night at Mutya ng Tagumpay 2026.
Layunin ng nasabing talakayan na masigurong magiging matagumpay, maayos, at makabuluhan ang mga aktibidad na ihahandog para sa buong komunidad sa pamumuno ng ating butihing Municipal Mayor, Hon. Pedy B. Sabando, ipinapakita ang matibay na pagkakaisa at pakikiisa ng pamahalaang lokal sa mga barangay upang mapalakas ang kultura, sining, at tradisyon ng ating bayan.